Kabanata 21

1.9K 64 2
                                    

KABANATA 21




Masyadong malakas ang hampas ng mga tambol. Nagsasapawan naman iyong lead at bass guitars. Hindi naman maitugma noong humahawak ng keyboards ang pasok nito sa ritmo ng kanilang tugtug. Sa madaling salita, imbes na musika, ingay ang kinalabasan ng kanilang ginagawa. Pero sa kabila nito, hindi iyon iniintindi at angat na angat pa rin ang malamig at tila napapaos na boses ng kanilang bokalista—ng kanilang hari.

Nakaawang ang bibig ko habang pinapanood siyang masuyong kinakanta ang liriko na tila nililigawan ang ritmo ng kanilang musika. Nagagawa niya pang pumikit at damahin ang kanta habang ginagawa ito kaya kahit gusto ng dumugo ng tainga ko sa gulo ng musika, hindi ko ito magawang talikuran.

I straightened myself as I properly listened to their song. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na tinanggal ang ingay sa paligid at itinuon lamang sa boses ng kanilang bokalista. Medyo napapaos pero malinis ang mga tono. Even though the sounds of their instruments were messy, hindi ito nadadala at on-point pa rin ang kanyang mga nota. There's this quality in his voice that compels you to listen.

I think with the right musicians backing him, he'd be great.

When I opened my eyes, I was surprised to see him looking at me. Napakurap pa ito ng ilang beses bago tuluyang napatigil sa pagkanta. Nagtaka ang kanyang mga kasamahan sa kanyang pagtigil.

"Si Ian ba iyan, Kulas?" Utas nito kahit hawak pa ang mikropono.

Isang matinis at malakas na feedback ang lumabas mula sa mga speakers. Agad na nagsipagtakipan ng kani-kanilang mga tainga ang mga tao lalo na iyong mga nasa malapit nito. Nagrereklamo na iyong karamihan sa nangyari pero hindi ito pinanungbalingan ng kanilang hari.

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Kulas. He threw the microphone to the nearest guitarist, not even minding if he caught it or not, while he made his way towards where we were standing, his emeralds never leaving mine.

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit alam kong wala naman akong kasalanan dito palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang paliit ng paliit ang distansya sa pagitan namin. I felt like I was guilty over something I didn't know I did that was against the rules -- his rules!

Hindi ko maiwas ang aking paningin sa kanyang titig. I was preparing myself for his wrath or something when someone shrieked all of a sudden.

"Ian!!!"

Bago ko pa malaman kung sino iyon ay naramdaman ko na lang ang isang mahigpit na yakap sa aking kanan. I was about to push that person away when I recognized her.

"Cecilia."

Nag-angat ito ng tingin at agad na pinatulis ang nguso.

"Na-miss kita!"

Natawa ako sa nasambit nito. Isang mahinang palo sa balikat naman ang kanyang ipinukol sa aking reaksyon.

"Nakakaasar ka, ha! Hindi ka man lang nagparamdam ng ilang araw, tapos tawa lang ang isasagot mo sa 'na-miss kita' ko?" Pinakawalan niya ako at kaagad na humalukipkip na tila nagtatampo, "Hindi mo lang ba ako na-miss? Nag-kiss na tayo at lahat—" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil agad na naghiyawan ang mga tao.

"Cel, ang bata pa ni Ian para sa ganyan!" Sigaw ng isang boses bago ako hinablot at itinago sa kanyang likuran.

I stared dumbfounded at his tensing back na basang-basa sa pawis.

"Hoy, magsitigil kayo kung ayaw niyong upakan ko. Mabuti pang magsikain na lang kayo kaysa kung anu-ano pang inaatupag niyo!" Marami ang pumalag pero nagkamot na lang sila ng ulo bago sinunod ang utos ng hari. Matapos noon ay si Cecilia naman ang binalingan nito, "Ikaw naman, Cel, tantanan mo na nga si Ian. Kung anu-anong itinuturo mo rito..."

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon