Kabanata 4

2.9K 80 3
                                    

KABANATA 4




Pabalik na ako sa cottage nang namataan ko ang nakapamaywang na bulto ni Gene. Pabalik-balik ang lakad nito at bakas ang pag-aalala sa mukha. Si Mimi, na nakatayo lang sa kanyang tabi, ang unang nakapansin sa aking pagdating. Kaagad naman nitong tinapik ang balikat ng asawa para ipaalam iyon. Mabilis itong napalingon sa aking direksyon at panandaliang namilog ang mga mata bago ako sinalubong sa isang mahigpit na yakap.

"Oh, my beautiful daughter! I thought someone stole you away from me! I was so worried!" He exclaimed bago ako bahagyang inilayo at hinagod ako ng nababahalang tingin.

Nakita kong nasa likuran na niya si Mimi na may bahid din ng pag-aalala ang mukha. Iyong mga bata ay marahil nasa loob na ng sasakyan dahil wala na ang mga iyon sa paligid. Nasa labas naman ng aming van si Milo at hinihintay ang pag-alis ng kanyang mga amo.

"Saan ka ba nanggaling? We were looking all over for you. Hindi ka namin mahagilap. Lampas isang oras ka ng nawawala. Another minute and your father might have gathered a search and rescue team," sabi ni Mimi sabay halukipkip sa tabi ng kanyang asawa.

"Naglakad-lakad lang ako and then I found a young mango tree on top of a hill not far from here. The view was so relaxing, nakatulog ako. I'm sorry," sabi ko sabay kamot sa batok.

Hindi ko naman akalaing makakatulog ako sa itaas ng puno. Kung hindi pa ako nahulog, sa pangalawang pagkakataon, hindi ko mamamalayan ang oras. Nakita ko ang marahang pagtango nito habang si Gene naman ay mas lalong nanlaki ang mga mata sa aking sinagot.

"You fell asleep? Were there someone else around that area? Paano kung may masamang nangyari sa iyo habang natutulog ka? Paano kung na-rape ka, anak?" Nagtagis ang mga ngipin nito sa naisip, "Makakapatay na talaga ako ng tao kapag nagkataon. At hindi lang talaga basta patay, titiyakin kong wala ng matitira pa sa kanya para makilala!" Napa-aray naman ito bigla matapos masapak ni Mimi.

"Ang OA mo! May makarinig pa sa iyo niyan, aakalaing pumapatay ka talaga. Tsaka, nakatulog lang naman si Aya sa pagod. Buong araw niyo kaya nilibot ang Asteria! Sino ba naman ang hindi mapapagod doon?" Napakamot na lang sa kanyang ulo si Gene sa sinabi ng asawa. Matapos noon ay ako naman ang binalingan nito.

"At ikaw, ibaba mo na iyang kamay mo't tsaka mo na lang pitikin itong isip-bata mong ama," napangisi ako sa kanyang puna at agad namang itinago ang aking mga kamay sa aking likuran.

I really think Gene married the right person. Someone to put some sense into him when he gets a bit out of control.

Tumayo na si Gene habang nagkakamot pa rin ng kanyang batok at tila nahihiyang tumingin sa akin.

"Um... about what happened a while ago..." He tried to say bago siya nagkaroon ng lakas na tignan ako. His eyes were guilty about something.

"Mimi and I were only discussing healthy things, Aya. We weren't fighting or anything. Baka kasi namisunderstood mo iyong sitwasyon kanina. Even so, I apologize that we acted that way in front of you. Hindi dapat kami nagtaasan ng boses lalo na't tungkol iyon sa iyo at sa harapan mo pa," malumanay nitong paliwanag.

Tumango ako bilang pag-intindi.

"I understand. Ayoko lang sanang hindi kayo magkaunawaan ng dahil lang sa edukasyon ko. I'm fine with whatever's given to me. Ang importante, I'm still receiving the education that I need. School is important. But family is more important to me. Kaya sana huwag na kayong magtalo tungkol dito. I'm really fine studying at home. Really!" Ngumiti pa ako matapos kong sabihin iyon kahit nakakaramdam ako na parang may kumukurot sa puso ko.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon