Kabanata 7

2.4K 96 6
                                    

KABANATA 7




Kaagad na nagsilapitan ang mga tauhan niya sa nasaksihan. Pero ang ipinagtataka ko ay wala man lang humila sa akin papalayo upang daluhan ang kanilang hari.

Tiningala ko ang mukha niya and was surprised na nakatingin lang siya sa akin. No anger in his eyes. Wala ring bakas na nasaktan ko siya.

"Kulang pa ng power, Ian. That punch was too soft," anito at bago kinuha ang kamay ko't inilagay sa parte ng sikmura niya, "You have to hit here. Hard."

Mabilis ko itong binawi at agad na dumistansya. Sinulyapan ko sina Jepoy para malaman kung naghahanda na ba silang resbakan ako. Pero nakahalukipkip lang ang mga itong nakatanaw sa amin na parang balewala lang sa kanila iyong nangyari.

I've just punched their king for goodness' sake!

"If you're aiming for a knockout, dapat mas malakas pa roon ang itatama mo. Sa ganoong distansiya at hindi mo napatulog iyong kalaban mo, sa nipis mong iyan, mababali ka," napabaling muli ang tingin ko sa kanya. Nagsitanguan lang ang mga tauhan niya na tila nagbibigay lang siya ng isang lecture.

What the heck!

"Uh..." I'm out of words, damn it!

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang lumapit sa akin. I thought he was going to show me how it's done pero hindi iyon nangyari. Instead, inakbayan niya ako saka hinarap iyong mga tauhan niya.

"O, iwanan na namin kayo," usal nito dito, "Ayusin niyo iyan para hindi tayo mawalan ng customer," sabi pa nito bago ako iginiya palabas doon.

Kinabahan ako nang nakalabas na kami pero hindi pa rin siya umiimik. Tinapangan ko ang aking sarili at saglit siyang sinilip. Naabutan ko siyang nakadungaw sa akin nang may simangot sa mukha. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwari na tinatanaw ang iba pang bahagi ng kanilang lugar.

Should I say sorry for what I did? I'm even insulted that my hit didn't hurt him. And besides, siya ang may atraso sa akin in the first place. Bumawi lang ako.

Pero may parte sa isipan ko ang nagtutulak na dapat akong humingi ng tawad. He took the effort of bringing me here so his men could apologize for what they did after all. Pinangaralan pa niya ang mga ito like what a good leader should do. I sighed in defeat.

"Ano—" I began to say.

"Hmmm?" Anito sabay dungaw uli sa akin.

"I—" Sasabihin ko na sana kaya lang may biglang sumigaw.

"King!"

Pareho kaming napalingon sa tumatawag sa kanya. It was that same guy na lumapit sa amin kanina pagkarating namin dito. Siya yata iyong tinatawag nilang Kulas.

Humahangos pa ito nang makalapit sa aming kinatatayuan. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalitang muli.

"Huwag niyo ng parusahan pa sina Jepoy, King. Ako na lang ang tatanggap ng parusa kahit ano pa iyan. Tutal ako naman ang dahilan kung bakit nila iyon nagawa. Gusto lang nila akong tulungan," he said in one breath. His posture and gaze were sincere habang kaharap ang kanilang hari.

Napasulyap naman ako sa seryoso ring mukha ni Reign. This is the kind of authority that I want to possess; the kind of strength that will be respected by men. If I have this, surely, my family would come to finally acknowledge me.

Napapitlag na lang ako from my deep thoughts nang bigla akong hinawakan sa magkabilang braso nitong si Kulas.

"Boy, huwag mo naman silang idemanda. Pakiusap. Nagawa lang naman nila iyon kasi gipit na gipit na kami ng pamilya ko. Pero mababait naman talaga ang mga iyon. Adik sa polboron pero mababait pa rin. Maawa ka sana," his eyes were full of concern for his comrades.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon