Kabanata 14

1.8K 63 6
                                    

KABANATA 14




"Lady Aya?"

Nasa kalagitnaan ako ng pag-a-arrange ng mga nota sa ginagawa kong komposisyon nang marinig ko ang marahang katok sa pinto ng aking silid.

"Lady Aya?" Pag-uulit nito.

"Haaaaaaai!" Mabilis kong sagot nang hindi inaalis ang mga mata sa ginagawa.

"Nandito na po ang tanghalian niyo," sagot nito sa mula sa kabila.

"Pakipasok na lang po, Mang Nestor."

Nasa mga screens pa rin ang tuon ko nang marinig ko ang marahan na pagbukas ng pintuan. Saglit ko siyang sinulyapan at kita ko agad ang pagtaas ng kilay ng matanda nang makita ang kalagayan ng aking silid.

Isang buwan na ang nakakaraan matapos iyon. Pinakiusapan ko si Gene na paglagyan ako ng mga powerful computers para hindi ako mabagot dito tuwing weekends. I secretly entered the trading market using the humble savings Louise left me.

I've also used the computers by doing research about guns, kyuudou, boxing, street fighting, fishing and anything that comes to my mind. Well, my boxing lessons with Hans have been great. Hindi talaga siya palasalita pero tinuturuan niya ako nang maayos. Hindi katulad nina Kyo at Kira na hanggang ngayon ay ginagawang dahilan ang mga lessons namin para gawin pang mas miserable ang buhay ko. But I haven't given up on the idea na magkakasundo rin kami noong magkapatid na iyon. That's why I've encouraged myself to take the extra mile of studying their expertise so I could at least catch up to them. Well, that... at para na rin sana makabawi ako sa kanila kahit konti.

Minsan naman, tulad ngayon, nagko-compose ako ng mga melodies. Balak ko sanang ibenta ang mga ito abroad. Hindi ko pa nga lang alam kung papaano ko gagawin iyon. While that option seems not plausible at this time, I've decided to create as many melodies as I can. Kapag napagod naman ako sa pagko-compose, painting naman ang pinagbubuntungan ko.

Kaya ngayon, nagkalat ang mga pinagsulatan at pinagguhitan kong mga papel. May mga residue pa ng paints ang sahig patungong veranda. Punung-puno rin ng mga draft paper ang lamesang paglalagyan sana ni Mang Nestor ng aking pagkain.

"Uh... let me get that for you," mabilis kong usal nang makita ang paghahanap ng ibang mapaglalagyan nito.

Kaagad naman akong tumayo at inalis sa lamesa ang mga nakapatong na drafts at inilipat iyon sa kama kong ganoon din naman ang kalagayan.

Hindi maiwasan ng matanda ang hagurin ng mapanuring tingin ang kabuuan ng aking silid habang inilalapag sa lamesa ang dala-dala niyang tray.

"Would you like me to call for housekeeping later, Lady Aya?" Hindi nito napigilang sabihin.

Nginitian ko siya bago umiling.

"Hindi na po kailangan, Mang Nestor. Ako na po ang bahalang mag-ayos ng aking silid pagkatapos ko rito."

"Pero—"

"Kaya ko na po ito. Baka po kasi mahirapan silang isaayos itong mga ginagawa ko. Iba-iba po naman ang arrangement ng mga ito."

Muli siyang sumulyap sa mga nagkalat na papel bago marahang tumango.

"Well then, I won't disturb you any further," bahagya itong dumungo bago tinahak ang pintuan.

Dala ko ang isang platitong may lamang French fries patungo sa aking kinauupuan kanina at papasubo na sana ako ng isang stick nang makarinig ako ng isang tikhim. Nang aking lingunin, natagpuan ko si Mang Nestor sa may bukana ng pintuan at bahagyang nakadungo. Dali-dali ko namang inubos ang kasusubong fries.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon