Kabanata 32

1.5K 71 2
                                    

KABANATA 32



"Bakakon ka! Liar, evil ka! Aaaaah! Bakakon ka! Liar, evil ka!" Pabibong kanta ni Jepoy na sinasabayan pa niya ng pagkaskas ng gitara.

"Hiwalayan mo na kasi, Jep!"

"Masakit ba ang ngipin mo?"

"Iinom mo na lang iyan, Bai!"

Panay ang tawanan ng mga katropa nito sa kanya. He was not born to be a singer after all.

"Tss! Kayo na nga lang kaya ang kumanta!" Tugon ni Jepoy na napipikon sa pang-aasar ng mga kaibigan.

"Eto naman, binibiro lang. O, tagay mo!" Sabi ni Mikoy sabay abot sa kanya noong isang basong tuba.

"Pakihawak nga nitong gitara, Yan!" Sabay abot sa akin ng hawak niyang instrumento bago nito tinanggap iyong baso. He downed that in one gulp.

"Ikaw naman ang kumanta, Yan!" Napalingon ako sa nagsalita.

"Ngek! Bakit ako? Si Nonoy na lang!" Sagot ko sabay abot sa gitara sa katabi na kaagad namang tumanggi.

"May sore throat ako, Yan. Ikaw na lang muna," sabi nito.

"Teka, nasaan ba iyong singer natin?" Tanong ni Jepoy pagkatapos tinungga iyong hawak na baso at ibinalik kay Mikoy.

"Sus, tinatanong pa ba iyan? E, di nag-eenjoy kasama ng mga babae niya. Nanalo ba naman sila kanina," sagot sa kanya ni Kaloy na katatanggap lang noong basong tinagayan.

"Akala ko nga hindi nila maipapanalo. Mantakin mong lagpas bente yata iyong lamang noong Tigers sa first half, naabutan pa rin natin?!" Bulalas ni Nonoy.

"Ganado kasi iyong hari natin kaya ayon, napahiya nang husto ang team ng Toledo. Pati mga top cheerers nila, sa kanya rin napunta," tugon ni Kulas na nakangisi. Ininguso pa nito ang direksyon ng silid ng kanilang leader, "Siguradong tuwang-tuwa ito ngayon doon."

Pumito si Kaloy sa huling sinabi ng kaibigan, "Dalawa iyong dala niya kanina, hindi ba?"

"Hindi ba iyon tatlo?" Sabi naman noong isa nilang tauhan.

Inihulog ko sa madamong buhangin ang aking paningin habang pinipilit kong pinapakalma ang aking pusong gustong magwala. I remembered him screaming for victory when the buzzer went off after he made that last shot and won. I almost thought he was looking for me when he started scouring the audience stands. I was about to raise my hand to let him know where we were when a girl from the opposing team suddenly ran to him and put her arms around him.

"Puntahan mo nga, Yan," biglang bulong sa akin ni Kulas.

Nanlaki ang mga mata ko sa ibig nitong ipagawa.

"H-ha?! Ayoko nga! Baka iba na naman ang makita ko roon," mabilis kong tanggi.

Bahagya pang natahimik ang lahat sa biglaan kong pagsigaw. Nang nakuha nila ang ibig kong sabihin, agad naman itong nagsipagtawanan. Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking mukha sa natanggap na kantiyaw.

"Ako na lang ang pupunta!" Matapang na deklara ni Jepoy matapos itungga ang panibagong baso.

"Utot mo, Jep! Gusto mo lang makapanood ng porno, e!"

"Masisisi niyo ba ako? Papaya mga 'tol! Papaya!"

"Animas ka talaga, Jepoy! Ang takaw mo talaga sa mga papayang iyan!"

Muli na namang nagtawanan ang mga tao. Iniling ko na lang ang aking ulo sa kanilang kababoyan. Men and their hormones.

"Hello, Asteria! Mabuhay!" Sabay-sabay kaming napalingon sa biglang sumigaw. Ganoon na lamang ang bigla namin nang makilala ang taong iyon.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon