Kabanata 18

1.9K 77 6
                                    

KABANATA 18




"Ang cute naman ng relative mo... Ipakilala mo ako, Kira-cchi!"

Hindi tulad noong una naming pagtatagpo, imbes na panlilisik ay isang natutuwang ekspresyon ang ipinapakita nito ngayon. Nabalot ako ng kaba nang maisip na baka mamukhaan niya ako. They can't know we've already met outside and was engaged in a fight. Pero imbes na gumalaw ako para makalayo roon, tila nabato pa ako sa aking kinatatayuan lalo na nang muli akong sinilip ng singkit nitong mata.

Pagod na nagbuntong ng hininga si Kira bago lumingon sa akin. His equally tired eyes tell me that he is left with no choice but to introduce me to him. Ikinahihiya niya marahil ang ipakilala ako bilang kamag-anak. O baka naman ay takot itong tumanggi sa utos ng demonyong iyon?

Naikuyom ko na lang ang aking mga palad habang pinagmamasdan ang paglapit ng dalawa.

Hindi ko lubusang maisip kung paano nasisikmura ng isang Kurozawang kagaya ni Kira ang utus-utusan ng isang iyan sa sarili niyang pamamahay? Ano naman ang ginagawa nito sa loob ng main house? Sinong nagbigay sa kanya ng karapatan para dumihan ang bahay ng kanyang presensiya?

Hindi maalis sa isipan ko iyong tagpong naganap malapit doon sa dalampsigan. Paulit-ulit sa utak ko iyong mga katagang binitawan niya.

A name equates power, huh?

Nagtagis ang aking panga nang maalala kung papaano siya ngumisi habang sinusubukan akong saksakin gamit ang hawak na patalim. How his eyes spelled murder without any second thoughts. No remorse. No fear. Just pure evil.

Bahagya akong napaatras nang tuluyan na silang makalapit sa akin. Hindi na nito hinintay pang ipakilala siya ni Kira at agad na inilahad ang sariling kamay.

"Hi! I believe we haven't met yet. I'm Drake and you are?" Halos mawala na ang mga mata nito sa laki ng ngiti.

Sinulyapan ko ang nakaabang nitong kamay ngunit hindi ko iyon tinanggap. Hindi ko siya ginawaran ng ngiti. At wala ring salitang lumabas sa aking bibig. Instead, I glanced at Kira's uncertain looks. Nakangiti pa rin ito tulad ng nakagawian pero hindi nakawala sa akin ang pag-iwas ng kanyang tingin na tila hindi komportable sa sitwasyon. Napansin iyon ng aking kaharap at agad na sinundan ng tingin.

"Kira-cchi?"

"A-ah..." Tila nagising si Kira sa kanyang diwa nang marinig ito. Agad siyang humakbang palapit sa akin bago naglahad ng kamay para ipakilala ako sa kasama.

"Master Ryuu, this is Ayana..." sandali itong napahinto para sumulyap bago nagpatuloy, "...a family relative."

"Ayana..." Sinubukan pa nitong banggitin bago pungalumbabang tumitig sa akin na tila may inaalala.

Kumalabog ang dibdib ko sa pinaghalong takot at kaba. Could it be that he remembers me?

Humakbang pa ito palapit ng isang beses and by instinct I took a step back as well. Napaatras naman ito sa aking ginawa bago ipinilig sa isang banda ang kanyang ulo at nakataas ang isang kilay. Kumunot ang noo ko nang magpakita ito ng ngisi na tila natutuwa sa pinakita kong reaksyon.

"Is something wrong, Master Ryuu?" Tanong ni Kira habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Wala naman, Kira-cchi. I'm just happy to see a pretty lady here," tugon nito nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

His eyes tell me that he knew something. Maybe he's finally figured it out.

My mind was preoccupied guessing kung anong nasa isip nito, hindi ko napansin ang pag-abot nito sa jade pin na nakaipit sa aking buhok.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon