Kabanata 6

2.3K 87 7
                                    

KABANATA 6





"Anak ng..."

Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang biglaang paghinto namin. Kinalas ko agad ang mga braso ko sa bruto and thanked God I survived that horror!

"Baba ka nga!" Medyo napapitlag ako sa tono ng kanyang pananalita.

Parang siya pa itong galit dito, e, ako nga itong halos mamatay sa takot! Bumaba na lang din ako kaagad nang walang sabi-sabi.

I was already swearing to all my forefathers not to ride a two-wheeled vehicle again nang marinig ka ang mga alon. Mabilis kong nilingon ang pinanggagalingan nito at agad namangha nang bumulaga sa harap ko ang karagatan. Maganda na ito noong dapit hapon ko siyang nasilayan, mas gumanda pa ito ngayon that it's reflecting the starry sky.

"Wow..." I said as I marvelled on its beauty.

"Hoy!" Muli akong napapitlag sa biglang pagtawag nitong bruto.

Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin.

"Ano bang problema mo't kanina ka pa sigaw ng sigaw?" Asik ko rito.

Nakapamaywang ito ngayon at kunot-noong nakatingin sa akin.

"Magsabi ka nga! Bakla ka ba?" Mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tanong nito.

"Kasi kanina pa ako sinusundot-sundot niyang sandata mo! Umayos ka nga!" Agad na nawala ang simangot ko at kasabay noon ang pamimilog ng mga mata at pagkabagsak ng bunganga ko.

"What?!" Hindi ko napigilang bulalas, "Anong 'sinusundot-sundot' ka diyan?!" Bulyaw ko pa rito sabay matapang na hinagod ng tingin ang pagmumukha nito.

"And now you're denying it? Buong byahe ka nakadikit sa akin, pucha! Buong byahe iyan nakasundot sa akin!" Asik pa nito sabay turo niya sa gitna ng hita ko.

Napatingin naman ako sa dakong iyon at nanlaki kaagad ang mga mata sa ibig nitong sabihin. Ibinalik ko ang paningin ko sa kanya and gave him a glare. Ang hayop naman ay biglang natawa.

"Oo nga pala. May due process of the law pa dapat, hindi ba?" He said pero may nararamdaman akong hindi maganda sa pagkakasabi nito.

Napaatras ako nang bigla siyang umusad patungo sa aking kinatatayuan.

"You want proof?" He said with that mischievous grin on his face.

Pagkatapos ay walang seremonya nitong dinukwat ang gitna ng hita ko. Mabuti na lang talaga mabilis ang kamay ko and I flyswatted his hand before he could even touch the edge of pants.

Kaagad nitong hinaplos ang sariling kamay matapos ng aking ginawa. There's this surprised look on his face bago napalitan ng isang nanunuyang ngiti.

"You're fast, kid. I like that. But what you did only proved that my accusation was correct," usal nito habang dahan-dahang lumalapit.

Habang ginagawa niya iyon ay atras naman ako ng atras. Iniisip ko kung anong sundot-sundot ang tinutukoy niya nang may bigla akong naalala.

Agad kong dinukot mula sa bulsa ko ang bagay na iyon. Nang mailabas ko na, nakompirma kong iyon nga ang sumusundot-sundot daw sa kanya – ang Sakura hairpin ko! I held the pin in one hand as I showed it to him with a smirk on my face.

"Sinusundot? You mean this?"

Kaagad namang naglaho iyong nanunuyang ngiti nito at napalitan ng simangot. Inilang hakbang niya lang ang distansya namin bago marahas na kinuha iyong pin na hawak ko.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon