Kabanata 48

1.6K 60 1
                                    

KABANATA 48



Nasa kalagitnaan kami ng paglilinis ng aming mga pinagkainan, nang mapansin kong naglalakad si Reign sa gilid ng pond at may hawak na mahabang sanga at isang maliit na timba.

"Cel, tulungan mo akong maghugas ng pinggan," narinig kong sabi ni Kulas.

"Ha? Bakit ako pa? Sina Kaloy, o, walang ginagawa!"

"Sandali lang naman ito. At saka, may sasabihin din ako," saglit pa akong tiningnan ni Kulas at nginitian, "Okay na dito, Yan. Maglibot-libot ka muna, kung gusto mo."

"Ha? Hindi pwede 'yan, Kulas! Dapat palagi kaming magkasama ni Ian ko!" Reklamo pa ni Cecilia pero wala rin siyang nagawa nang higitin na ito ni Kulas papunta sa washing area.

Wala akong nagawa kung hindi ang gawin ang sinabi nito. Malawak ang Wild, Wild Asteria pero hindi ito ganoon kalawak kung ikukumpara sa mga rancho ng mga Kurozawa. Iyong isang bahagi rito na malapit sa pond ay tinaniman nila ng isang libong mga puting rosas. Sabi pa nila, sinadya iyon ng may-ari bilang simbolo ng kanyang pagmamahal para sa namayapa na nitong asawa.

When I heard the story, it somewhat reminded me of my biological parents. I realized that love could do wonders to a person. It could make you better or... it could make you worse. Even the strongest of men deemed powerless when it comes to love.

"Ingat ka sa mga tinik. Baka masugutan ka."

Napapitlag ako sa biglaang nagsalita nang aabutin ko na sana ang isang pausbong na rosas. It was Reign, holding his stick on one hand. Maganda pa rin ang tila matamlay na mukha nito.

"Alam ko naman iyon," sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Himala at hindi mo yata kasama si Cel ngayon?"

Muli ko siyang nilingon at nakitang nakaangat ang isang dulo ng kanyang labi. But I also noticed that there was no joy in his expression.

"May pag-uusapan daw sila ni Kulas kaya..." I said as I returned my gaze on the budding roses.

"Hmm..." Narinig kong tugon nito.

Ilang sandali pa kaming natahimik at ini-enjoy ang pagtanaw sa mga bulaklak.

"Marunong ka bang mamingwit?" Bigla nitong tanong.

"Ha?"

Nilingon ko siya. Ipinakita niya ang hawak na sanga.

"Samahan mo akong mamingwit," sabi pa nito, "Iyan ay kung okay lang sa--"

"Okay lang!" Mabilis kong sagot, too fast even to my liking. Ganoon ba ako kasabik na makasama siya?

Saglit na napaawang ang kanyang bibig bago ito nagbago at naging isang ngiti. Iyong totoong ngiti.

"Ren, turuan mo ako kung papaano ito?" I asked a few minutes later as I was struggling hooking an earthworm to my makeshift rod.

Tumawa pa ito nang makita ang paghihirap ko.

"Hawakan mo kasi nang maayos iyong uod."

"E, nakakaawa naman kasi!"

Muli pa itong natawa sa sinabi ko. Pinatulis ko naman ang aking nguso. Ang sarap talaga pakinggan ang mga tawa nito. Hindi ko magawang tuluyang maasar!

"Akin na nga. Ako na lang ang tutusok--"

"Huwag!" Angal ko sabay layo ko sa hawak na sanga.

"Kung ganyan, hindi ka makakabingwit," nakangisi nitong tugon.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon