Kabanata 31

1.5K 74 12
                                    

KABANATA 31



"And that concludes your whole accountancy course. Congratulations, Miss Cross," Professor Dingley told me as he managed a thin smile through my monitor.

"Thank you, Professor."

"We'll be sending you your diploma as soon as it becomes available. The registrar's office will keep you posted."

"I understand, Sir."

"Very well, thank you for the wonderful four years. It's been a pleasure teaching you, Miss Cross."

"The pleasure is mine, Professor," I smiled.

"We hope Yale can still be part of your future endeavors. Have a good life, Miss Cross. Until next time," ang huli nitong sinabi bago naging itim ang screen.

Ilang sandali pa akong tumunganga sa harapan ng aking computer. Ang bilis lang pala talaga ng panahon. I moved to turn my Mac off when I heard a soft knock on my door.

"Lady Aya?"

"Po?" I tucked my files away before I went to open the door for Kuya Milo, "Ano po iyon, Kuya?" May bakas ng pag-aalala ang nasa mukha nito nang aking makita.

"Nandito po iyong mga kaibigan niyo—"

"Yan! Ang tagal mo na naman!"

Biglang nagsulputan sina Jepoy sa likod nito. Napaawang pa ang bibig ng dati naming driver nang walang pasabing pumasok ang mga kaibigan ko sa aking silid.

"Grabe, Yan, rich kid ka nga! Ang ganda ng kwarto mo!" Naunang puna ni Jepoy habang tinitingnan ang mga gadgets kong nakapatong sa aking mesa, "Sosyal! Apol!" He exclaimed pertaining to my Mac.

"Huwaw! Amoy pa lang, pangmayaman na!" Sabi pa ni Mikoy na bilog na bilog ang mata habang nililinga ang kabuuan ng aking silid.

"Ang lambot ng kama, Bai!" Sigaw naman ni Kaloy na agad na sumalampak sa aking kama.

"Hoy, umayos nga kayo! Para kayong mga bata," sita ni Kuya Milo sa kanila na walang balak na sundin ang mga sinasabi niya.

"Okay lang po, Kuya. Ako na pong bahala sa kanila," I smiled as I assured him.

"Pero, Lady Aya, hindi ko pwedeng iwan kayo habang naririyan pa ang mga batang iyan," bulong nitong nag-aalala.

"Don't worry, Kuya. I can handle them," pagsiguro ko sa kanya.

May pag-aalalangan pa ang mukha nito nang lumabas sa aking silid.

"Grabe, Yan, ang ganda namang babae nito!"

"Saan?"

"Patingin nga!"

Agad naman akong napalingon sa kung anong tinutukoy ni Jepoy. Naroroon na ang dalawa ko pang kaibigan at nakisiksik upang matingnan ang mga larawan.

"Ang bata naman niyan, Jep!" Reklamo ni Kaloy.

"Sino 'to, Yan?" Tanong ni Jepoy na binalewala ang sinabi ng kaibigan.

Lumapit pa ako sa kanila at muling pinagmasdan iyong mga larawan. Hanggang beywang ang kulot na buhok, maputlang mukha, blangkong mga mata; hindi mo aakalaing ako at iyong batang nasa larawan ay iisa lamang.

"A, si Arianne 'yan. Kapatid ng kakilala ko," sabi ko na lang.

Nagsitinginan ang tatlo sa isa't isa bago ako binalingan nang may panunuya sa mga ngisi nila.

"What?"

"Crush mo 'no?" Umangat-baba pa ang kilay ni Jepoy nang tanungin ako.

Kumunot ang noo ko sa naging konklusyon nito. How did they come up with that idea?

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon