Kabanata 11

2.1K 72 4
                                    

KABANATA 11



Bandang alas dos na nang ihatid ako nina Jepoy sa parehong lugar kung saan nila ako natagpuan. Nag-alangan pa silang iwan ako roon kasi, katulad ng sinabi ni Reign kanina, walang masyadong dumadayo sa lugar na iyon. But I insisted and told them that my parents were just near that area. Kahit na may pag-aalangan, pinagbigyan pa rin nila ako.

Hinintay ko lang silang makaalis bago ko tinahak ang daan patungo sa dojo. Papalapit pa lang ako sa gate, napansin ko na ang nakapark na van ni Milo. Nang makita ako, agad niyang nilapitan ang master niyang galit na pinagsasabihan iyong dalawa nitong pinsan. Halata ang galit sa mukha ni Kyo habang nakapameywang at nakatingin sa kawalan. Nakadungo naman sa tabi nito ang kanyang kapatid.

Nang makita ako ni Gene, napalitan ng ginhawa ang galit nitong ekspresyon. He immediately went to me and did his usual checkings. Pansin ko ang pagkairita sa mukha ni Kyo habang nakatanaw sa amin. Sinimangutan ko siya. Bakit siya maiirita sa akin when it's his fault in the first place na pinapunta niya rito nang ganoon kaaga gayong bukas pa naman pala ang simula ng aming lessons.

Dahil sa nangyari, maaga akong inuwi ni Gene. Hanggang sa bahay, panay pa rin ang labas nito ng sama ng loob sa ginawa ng mga pinsan. Panay rin ang paghingi niya ng paumanhin sa akin. Pinagsabihan niya rin akong huwag umalis mag-isa lalo na't hindi ko pa kabisado ang Asteria.

He tried asking where I went and what I did the entire time I was gone. I told him about going to the springs but didn't give him any more details about my adventures there. Hindi niya na lang ako kinulit tungkol doon at nagpasalamat na lang na nakabalik akong ligtas sa kanila.

Nang sumunod na araw, maaga pa rin akong sinundo ni Milo. This time, pinabaunan na ako ni Mimi ng makakain kung saka-sakaling hindi na naman ako siputin ni Kyo.

At ganoon nga ang nangyari. Magdadalawang oras na akong naghihintay sa lounge area ng dojo pero walang Kyo ang nagpakita.

"Wala pa rin si Kyo?"

I was in the middle of eating my sandwich nang napadaan si Kira. He was wearing his kyuudou attire and holding a bow in one hand.

Kaagad kong nilunok iyong kinakain kong sandwich bago marahang umiling. Nag-iwas siya ng tingin at panandaliang ngumuso. Saglit pa niyang binalingan ang bitbit bago ako muling hinarap.

"I don't know about guns but if you like, I can show you some kyuudou..."

Lumiwanag ang mukha ko sa binanggit nito.

"You know... just until Kyo arrives or something. Baka kasi nababagot ka na rito kakahintay," kamot-batok nitong tugon nang hindi nakatingin akin.

Well, this is definitely an improvement compared to yesterday. Could it be that he's starting to warm up to me?

"I'd love to!" Walang pagdadalawang isip na sabi ko.

"Great!" He exclaimed as he showed me a big smile, "But first, you need to change into proper kyuudou attire," dagdag nito habang pinapakita sa akin ang kabuuan ng kanyang ayos, "You'll find one in the lockers. Eubert!"

"Yes, Master?" Biglang lapit ng isa sa mga tauhan nito.

"Show Lady Ayana where the locker room is. You'll wait for her outside until she's done and then bring her to the kyuudou practice area." Tugon nito sa nakadungong tauhan.

"Yes, Master," ang sagot nito bago ako hinarap, "Lady Ayana, this way please," anito habang nakaturo ang kanang kamay sa direksyong pupuntahan.

"I'll wait for you at the practice area, then, Ayana," nakangiting usal pa ni Kira bago marahang dumungo at tumuloy na.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon