Kabanata 19

1.7K 64 4
                                    

KABANATA 19



Muli pa itong humakbang palapit sa akin nang may panunuya sa kanyang mukha. I held my place even as he was giving me that taunting look. Hindi niya iyon kayang patunayan hangga't wala akong inaamin sa kanya.

"I don't know what you're talking about," I answered as I maintained my expression void with any emotion.

He sneered at my answer. Muli na naman siyang humakbang bago ibinaba ang tingin para magpantay ang aming mukha.

"I didn't think the little princess knew how to lie too," he sniggered before stepping in closer so his mouth is right next to my ear, "What a sinful princess," he maliciously whispered before I pushed him away from me and gave him a stern look.

Bastard!

"Hindi ko alam kung saan mo napulot iyang pinaparatang mo. Wala akong alam diyan at wala akong pakialam kaya pwede ba lubayan mo ako?"

"Hmmm..." Nakapangalumbaba niyang sambit habang minamata ako mula ulo hanggang paa. "I don't think I want to ever leave you alone, Princess," he said as he licked the bottom of his lips, "Mas gusto ko pang mapalapit sa iyo at panuoring magbago-bago ng ekspresyon ang maganda mong mukha ng dahil sa akin," he smirked habang inilalapit niya ang kanyang kamay sa aking pisngi para sana damhin nang akin iyong agad na pinaalis.

He hissed as if his hand was hurt from what I did.

"Gustong-gusto ko pa naman sa babae iyong palaban," sabi nito, "Especially girls who know how to handle their sticks very well," matalinghaga nitong idinagdag bago ibinaba ang kanyang mukha para muli kaming magpantay, "Bagay na bagay ka talaga sa akin, don't you agree? Hmmm?"

He smirked as he continued taunting me with his advances.

"I wonder how your lips would taste if I run my tongue along them?"

Hindi ko man sadya ay kaagad akong napaatras nang akma nitong dadakmalin ang aking labi. I immediately covered my mouth with the back of my hand on instinct.

Tinawanan lang nito ang aking naging reaksyon.

"You really are very interesting, Ayana," sabi nito bago muling humakbang papalapit sa akin.

Umabot na sa sukdulan ang pagtitimpi ko sa kanya at plano ko sanang pahalikin siya sa sahig nang may biglang nagsalita sa aking likuran.

"Tapos ka na bang magbihis, Aya? Hinahanap na tayo ni Mimi—" natigilan ito nang makita ang kasama ko.

Kaagad nawala ang mainit na aura sa mukha nito at napalitan ng isang malamig na ekspresyon. Deadly even.

"What are you doing here, Sanada?"

"Yuujin!" Bulalas nitong katabi ko sa isang eksahiradang tono, "Ohisashiburi, ex-leader-san!" I saw Gene cringed at the word, "Matagal din tayong hindi nagkita. Masyado na bang busy sa trabaho?"

Hindi iyon sinagot ni Gene at mataman niya lang itong tinitigan.

"Go to your room, Aya. Aalis tayo kaagad pagkatapos mong magbihis," malamig na usal nito nang hindi inaalis ang paningin kay Drake.

"Oh, come on! We were still getting to know one another. Don't be such a spoil sport, ex-leader-san," may panunuya sa bawat salitang binitawan nito.

Ilang saglit pang nakipagtitigan si Gene dito bago ibinaling ang paningin sa akin.

"Sige na, Princess. Kanina pa tayo hinihintay ng Mama mo. Gutom ka pa naman, hindi ba?" His expression softened when said that kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango sa kanya bago tinungo ang mga pintuan ng aking silid.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon