ᜀ | a k o

5.9K 152 1
                                    

"'Tol, patay na si Buloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"'Tol, patay na si Buloy."

Hindi ko kayo maintindihan.

Paano niyo nagagawang ngumiti? Paano niyo nagagawang humalakhak na parang walang nangyari? Paano niyo nagagawang kalimutan ang lahat? Patay na si Buloy. Si Buloy, namatay si Buloy. Ang Buloy na'ting lahat.

"Aalis na muna ako," sabi ko na nagpatigil sa inyong malalakas na halakhakan, kasabay nito ang mga iilang pagsinok tanda na marami na ang inyong nainom.

Napatitig kayong lahat sa'kin, kita ko sa mga mukha niyo ang magkahalong inis at lungkot.

"Pass muna ako sa inuman," habol ko.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon