ᜃ᜔ | k u l t u r a

938 60 3
                                    

"Par, alam mo 'yung baybayin?" tanong niya sa'kin sabay subo ng kanin na may kanton

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Par, alam mo 'yung baybayin?" tanong niya sa'kin sabay subo ng kanin na may kanton.

Sabay kaming kumakain ng tanghalian sa ilalim ng punong hindi naman gano'n kalakihan.

"Anong baybayin? Alibata lang ang alam ko," Sagot ko sa kanya. Nakita ko siyang bilang nalungkot at natulala.

Napatitig ako bigla. "Ano bang meron 'dun?"

"Alam mo ba na merong sariling alpabeto ang bansang pilipinas noon? 'Yun ang tinatawag na baybayin. Nakakalungkot lang dahil kahit tayong mga pinoy ay kakaunti lamang ang nalalaman tungkol do'n," malayo ang tingin niyang sabi, habang ako nakatitig lang sa kanya.

"Ah, alibata.." kaswal kong sagot.

"Baybayin!" diin niya. Napakunoot ako ng noo.

"Pareho lang naman 'yon!" sabi ko at tuwid siyang tiningnan.

"Hindi. Hindi tama na alibata ang itawag sa baybayin. Akala kasi na'tin na ang baybayin ay nagmula sa arabic alphabet na alif at bata kaya naging alibata. Pero mali 'yon, baybayin ang tawag do'n dahil sa pagbabaybay ng mga salita at siya ring pinaniniwalaan na naimbento 'yun dahil sa alon sa dalampasigan!" paliwanag niya.

Agad akong napangiti sa narinig, oo na. Talo na ako. Hindi ko maiwasang titigan siya habang nanggagalaiti sa sinabi ko. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Alam kong mahal na mahal ni Buloy ang pilipinas, alam ko kung gaano niya kamahal ang tradisyon at kultura ng bansa na'tin.

Si Buloy, ano bang meron kay Buloy ang hindi na'tin magugustuhan? Araw-araw niya tayong pinapahanga, nagiging makabuluhan ang araw-araw na'tin kapag kasama siya.

Lalo na ako, laging binubuo ni Buloy ang araw ko.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon