ᜀ | a y b a s t a

927 64 0
                                    

"Par, pangako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Par, pangako. Bago ako mamatay isusulat ko ang kwento ng buhay ko sa baybayin," sabi niya.

"E, sabi mo 'di ba nalulungkot ka dahil kakaunti lang ang nakakaalam no'n? Edi kakaunti lang ang makakabasa," bigla siyang napaisip kaya bigla akong natawa sa 'di ko rin malamang dahilan.

"Ay basta! Hindi ko kailangan ng maraming mambabasa. Para sa'kin, utang na loob ko na 'yun sa mga kapwa pilipinong nag-imbento ng napakagandang alpabeto. Para matuwa sila dahil may mga tao pa pala na hanggang ngayon e, pinapahalagahan ang natatanging gawa nila."

Hindi ko na pinansin ang mga balak na 'yon ni Buloy, suportado naman ako sa lahat ng gagawin niya. Suportado ako sa mga bagay na nakakapagbigay ligaya sa kanya.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon