ᜎ᜔ | l u m i p a s

896 62 3
                                    

Inabot ako ng ilang buwan para maisalin ko ang lahat sa wikang filipino ang kwadernong 'yon ni Buloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inabot ako ng ilang buwan para maisalin ko ang lahat sa wikang filipino ang kwadernong 'yon ni Buloy. Ikinwento ni Buloy ang lahat ng tungkol sa kanya, gaya ng pangako niya na isusulat niya ang kanyang buhay sa baybayin.

Ikinuwento niya ang mga kwentong kahit kailan hindi ko pa narinig dahil hindi ko rin nagawang itanong.

Gaya ng mga bagay na gusto niyang gawin, gusto niya palang malibot ang buong mundo at isusulat niya kahit saan ang pangalan niya sa baybayin. Mahal na mahal niya ang dating alpabeto, walang duda.

Ikinuwento rin niya ang tungkol sa kabataan niya, naniniwala siya na may pitong dragon balls at nais niyang hanapin 'yon paglaki.

Hindi siya nakaranas ng kahit anong paghahanda sa tuwing kanyang kaarawan. Magsasaing daw siya at sadya itong susunugin saka ito sasandukin sa kaldero ng buo at babaliktarin para ang tutong ang nasa taas, tutuhugan niya ito ng kandila na minsan nang nagamit nang maputulan sila ng kuryente.

Magkakantahan sila ng kanyang mga kapatid ng masayang "Happy Birthday" saka pagsasaluhan ang 'keyk'—ang tutong na sinaing.

Maraming naikwento si Buloy na sa tinagal-tagal na'min magkasama ay hindi ko man lang nalaman. Hanggang sa kanyang paglaki ay nakatungtong parin siya sa inidoro kapag dumudumi, naiihi parin siya sa banig kaya madalas siyang batukan ng kanyang ina, malakas ang kanyang hilik at kadalasan daw ay amoy daga talaga ang kanyang paa.

Naikuwento niya rin ang buhay mahirap, kung gaano kahirap lumaking mahirap, kung gaano kahirap makipagsabayan sa marangyang paaralan.

Naikuwento niya ang pagpapatalsik niya kay Mrs. Loydaco at kung paanong nabago ang buhay niya dahil dito, naikuwento niya ang awa sa mga kapatid, ang pagkakasakit ng kanyang ina, ang walang kwenta niyang ama na nakabuntis pa ng iba.

Pakiramdam ko, kilalang-kilala ko na si Buloy matapos kong basahin ang bahaging 'yon ng kanyang kwento, pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala.

Pero muling nayanig ang buong mundo ko nang dumako ako sa dulong bahagi ng kanyang kwento.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon