ᜁ | i y a k

1.1K 77 1
                                    

Hindi madaling malasing si Buloy, nakailang balik ako sa tindahan para muling bumili ng mga alak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi madaling malasing si Buloy, nakailang balik ako sa tindahan para muling bumili ng mga alak.

Kahit ilang beses pa niyang sabihin na hinahanap na siya, hindi ko siya pinayagang umalis. Nagkalat na 'yung mga lata't bote sa sahig, magulo ang lamesa. Umiikot na 'yung paningin ko pero nakatitig lang si Buloy sa kawalan, hindi parin nagkukwento.

Nawawalan na ako ng ulirat, paulit-ulit kong binubukas-sara 'yung mata ko dahil sa kalasingan, nahihilo na ako at alam kong 'di ko na kaya.

Hanggang sa nagising 'yung diwa ko sa bigla niyang pagluha.

Nakakatigil ng mundo.

Binuksan niya 'yung isa pang bote at tinungga.

Patuloy ang agos ng kanyang mga luha.

Kitang-kita ko ang pagkulot ng kanyang mukha, ang pagtaas-baba ng kanyang lalagukan.

Biglang kumirot 'yung puso ko. Nasaktan ako sa nakikitang Buloy, sa harapan ko.

Naubos niya ang alak ng isang tunggaan, pagkatapos ay biglang yumuko.

Humagulgol.

Isang paghagulgol na halos sumasayaw na ang kanyang balikat. Okupado ng dalawang palad niya ang kanyang mukha, umaasang mapipigil ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha, ngunit nabigo siya.

Hindi ako makapagsalita, naghahanap ng salitang sasabihin pero wala akong mahanap. Hindi ko alam ang gagawin, tinitigan ko lang siya na parang wala lang sa'kin ang nakikita ko.

Hindi ko lubos maisip na ang taong nagbibigay ligaya sa lahat ay umiiyak sa harapan ko.

Hanggang sa dumating ang pinakahihintay ko.

Bigla na nga siyang nagkwento.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon