ᜄ᜔ | g r u p o

1K 66 1
                                    

Maraming naging proseso, umabot ng ilang linggo ang pakikipaglaban ni Buloy kay Loydaco

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maraming naging proseso, umabot ng ilang linggo ang pakikipaglaban ni Buloy kay Loydaco.

Parami ng parami ang grupo niya, palakas ng palakas ang ebidensya. Marami ang naniniwala kay Buloy, dahil kung sino man sa'tin ang nakakaranas ng ganitong problemang pampaaralan, si Buloy 'yon.

Nalaman din na'tin na alam na ito ng mga nakakataas ngunit dahil takot at palibhasa'y nakikinabang kaya't mas pinili na lang na manahimik.

Araw-araw ang pagpoprotesta, maghapong nakatayo sa gitna ng masakit na sikat ng araw, mga nag-iinit na tuktok, mga gasgas na lalamunan ngunit hindi ito ininda ni Buloy at ng mga kapwa estudyanteng pinaglalaban ang karapatan nila.

Nagtiis, nagsakripisyo. Lahat ginawa ni Buloy para ito'y maipanalo.

Hanggang sa napatunayan ang bintang, sinuportahan ng mga nakakataas si Buloy, umamin ang mga ito.

Sa dulo, muling natanggal ang tiwaling pamumuno ng kasalukuyang pangulo.

Dahil dito mas lalong nakilala si Buloy, naging mataas ang tingin ng mga tao sa kanya. Dahil sa ginawa niya binigyan siya ng pagkakataong maging iskolar at kung makapasa makakatanggap siya ng buwanang sustento.

Sa isang iglap gumaan ang kanyang problema sa pamilya, binigyan na rin siya ng trabaho sa school na naaayon sa iskedyul niya.

Ngunit alam ko, na bukod sa pakikipaglaban niya sa kanyang karapatan ay meron pang isang mabigat na dahilan kung bakit niya ginawa ang mga ito.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon