ᜀ | a w a

2.6K 87 0
                                    

Kapag malaki ang tumpukan ng mga tao sa isang ispisipikong lugar na may malakas na tawanan, mapapansin na na'tin siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag malaki ang tumpukan ng mga tao sa isang ispisipikong lugar na may malakas na tawanan, mapapansin na na'tin siya.

Mangingibabaw kasi ang mga walang humpay na tawanan na may mga kakaibang tunog.

May mga tawang tunog baboy, tunog aso, maging tawang tunog inidoro maririnig mo.

Wala tayong pakialam sa kung gaano 'yun kalakas o kung mabaho ba ang hininga ng katabi na'tin o sa'tin mismo galing ang mala-bugok na itlog na amoy ng hininga.

Basta't makasabay lang tayo sa makulay na mundo ni Buloy.

Sa mundo, ni Buloy.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon