ᜎ᜔ | l u h a

1.1K 70 2
                                    

"'Tol, baka 'di na ako makapag-enroll sa susunod na semestre

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"'Tol, baka 'di na ako makapag-enroll sa susunod na semestre.

Said na said na kami. Hindi na kumakain ng maayos mga kapatid ko, palala ng palala ang sakit ni Mama.

Tang ina 'Tol, 'yung tatay ko nakabuntis pa ng iba. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tang ina dapat nag-aaral lang ako 'di ba? Tang ina dapat ako 'yung pinoproblema ng mga magulang ko, e.

'Tol, baliktad e. Ako 'yung namomorblema sa kanila.

Dagdag mo pa 'yang mga kamag-aral na'tin sa paaralan, tang ina utusan ba ko? Kinaibigan ako para may mauto sila? Para merong taga-bili ng mga pagkain nila? 'Yung bumibili ka ng pagkain hindi para sa'yo kundi para sa iba, ayos lang sana 'yon e.

Kaso hindi mga marunong magpasalamat, kapag nakuha 'yung gusto parang 'di na ako kilala. 'Tol, bakit naman gano'n?"

Tumahimik siya sandali. Pinunasan niya 'yung luha niya, huminga ng malalim, saka niya ako tiningnan sa mata.

Hindi ko alam ang gagawin ko, kinabahan ako. Kitang-kita ko 'yung samu't-saring emosyon sa mga mata niya.

Bigla niya akong tinanong.

"Ikaw Kiko? Kinaibigan mo lang 'din ba ako para may mautusan ka?"

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon