P a g p u p u g ay

1.9K 80 18
                                    

Ikaw talaga Buloy, kahit kailan. Pabibo ka talaga. Pakiusap, manahimik ka na. Patahimikin mo na kami.

Isang beses, may nagtanong sa'kin matapos kong ipabasa sa kanya itong maikling kwentong. Hindi niya ko binigyan ng pagtataka, o pagkagulat sa nabasa. Parang sa una pa lang alam na niya ang mangyayari- gaya niyo.

Hindi man lang siyang umakto na kahit konti'y magtaka kung bakit ko naisulat 'to. Wala siyang pakialam kung sino ang nagsulat, sa kung paano dumaloy ang istorya. Hindi niya pinakaalaman si Kiko, ang nanggitata sa kanyang kuryosidad ay ako. Kaya bigla siyang nagtanong. "Ikaw ba si Buloy?"

Gusto kong matawa. Anong klaseng tanong 'yan? Gago ka ba? Napangiti ako sa 'di makapaniwalang tanong pero agad ding nawala nang makitang seryoso siya. Sumagot ako, "Hindi." Simple, walang halong biro.

Totoo naman. Hindi ako si Buloy. Edi sana wala na ako ngayon. Buhay ako, tanga. Patay na si Buloy. Sa una pa lang, pinatay ko na si Buloy. Alam niyo namang lahat 'yon.

Tumango siya. Parang kumbinsido na hindi. Hindi ko na lang pinansin. Nirebisa ko na lang ang ibang parte at tapos na ako. Ipapasa ko na lang.

Ipinasa ko ito sa isang patimpalak noong buwan ng Wika sa paligsahan nang pagsulat ng maikling kwento dito sa pinapasukan kong Unibersidad. Hindi pinalad manalo si Buloy. Gaya nang hindi niya pagkapanalo sa karera ng buhay. Ayos lang, marami pa namang pagkakataon.

Pero hindi ko magawang itapon si Buloy gaya nang ginawa ko sa iba kong mga sinulat. Nakakapit 'yung tinta niya sa kamisetang suot ko. Puti pa naman, kay hirap tanggalin.

Ewan ko ba, iba rin ang kagaguhan ko kung bakit ko pa siya dinampot ulit. Nilukot ko na ang buhay niya gaya nang paglukot ng lubid sa kanyang leeg. Tinanggalan ko nang hangin ang kwento niya sa buhay ko gaya nang pagkapos ng kanyang hininga. Kaso wala e, kahit na parehong nakalutang ang paa niya sa ere at malayang nakatumba ang upuang kanyang pinagtungtungan. Nakadikit parin ang tinta niya sa puti kong kamiseta.

Kahit kailan, Buloy. Shit ka talaga.

Inilagay ko siya rito, nabasa naman ng iilan. Hindi pinansin ng karamihan, pero bakit ba? Gusto ko nang makawala sa kapit ni Buloy e. Mabuti at nawala naman, hinayaan ko siyang siya ang maghanap nang magbabasa sa kanya.

At Haribol! Dahil isa ka pala sa mga naimbitahan niya. Oo, tama ikaw. Nalinlang ka siguro nang mga papalit-palit niyang kasuotan. Marahil binigo ka ni Buloy, o pinakitaan ng maganda. Ewan ko sa'yo, ikaw naman ang inimbitahan niya e. Nasa sa'yo kung anong masasabi mo sa kwento niya.

Wala naman akong pake. Si Buloy? Siya bahala mangalap ng mga taga-hanga niya. See? Shit talaga siya, patay na gusto pa nang sasaludo sa kanya.

Walang pumapansin kay Buloy, meron man ngunit kakaunti. Bilang sa daliri. Ni hindi nga tumutugon sa mga sinasabi niya- sa mga kwento niya. Nakatingin lang sa kanya, dumarami ang nakatingin ngunit hindi niya alam kung nagustuhan ba nila o hindi 'yung mga pinagsasabi ni Buloy.

Gawa tayo halimbawa, kung papipiliin ka kung Filipino o Banyaga, anong pipiliin mo?

Easy question af. Kay daling sagutin! Obvious ba? Filipino ka! Siyempre pipiliin mo Banyaga, duh!

Attention seeker si Animal, aba. Mukhang may gustong patunayan sa sarili. Nagulat na lang ako nang biglang may kumatok sa inbox ko na nagsasabing nagwagi raw si Buloy sa isang patimpalak. Seryoso, ako ah. Wala akong alam dito. Ni hindi ko nga alam na opisyal palang kasali ang pabibong 'to e.

Naging Long Lister at Short Lister si Buloy ng Watty's 2018.

Pinahanga niya ako. Wari ba'y nakataas ang kanang kilay sa'kin at nangingiti. Nang-aasar ba, para bang niyayabangan niya ako na kahit kailan 'di siya magiging talunan.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon