ᜏ᜔ | w a l a n a

892 61 0
                                    

Malusog ang kanyang dalawang kapatid, may karamdaman parin si Mama Gemma pero nakakapagtrabaho na bilang isang mananahi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malusog ang kanyang dalawang kapatid, may karamdaman parin si Mama Gemma pero nakakapagtrabaho na bilang isang mananahi.

Nalaman ko rin na hindi na pala bumalik ang tatay ni Buloy at kinuha ang anak niya sa iba.

Tatlo na lamang sila.

Napansin ko ang ilang mga lata at balde ng biskwit. Ang mga alkansyang may iba't-ibang laki at lebel.

Ang baboy na puti ay para sa pagkain, 'yung itim ay para sa gamot ng kanyang ina, at ang isang kulay pula ay walang lebel. Napansin kong ubos na ang dalawang naunang alkansya pero punong-puno parin ang kulay pulang walang lebel.

Hindi ko maiwasang itanong ito kay Mama Gemma.

"Mama Gemma, para saan po 'tong pulang alkansya?" Napatigil siya sa pagtatahi at saka ako tiningnan.

Nginitian niya ako pero hindi nagpatalo ang mga mabibilis na luha niya, ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib, ang pait ng kanyang mukha pero nanatili parin siyang nakangiti sa'kin.

Alam kong nasasaktan siya, dahilan para mas masaktan ako.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon