ᜇ᜔ | di, rin.

1.5K 87 1
                                    

Palabiro din si Buloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Palabiro din si Buloy.

Kahit simpleng mga linya ng mga biro niya ay matatawa ka, marahil siguro sa kung paano siya tumawa at sa kung paanong naiiba ang mukha niya kapag tumatawa.

Naging tampulan narin si Buloy ng tukso dahil sa kanyang itsura't pananamit. Ngunit sa kanya'y wala na lang 'yon, inaamin niyang totoo rin kasi.

Nawawala 'yung problema ng panandalian kapag kasama mo si Buloy. 'Di rin nagtagal, nilalapitan na siya hindi lang para makipagkwentuhan o utusan.

Nilalapitan na rin si Buloy para manghingi ng payo sa kanya-kanya niyong problema. Ang dating "Paki Buloy" ay napalitan na ng "Tata Buloy." Alam ni Buloy ang kwento ng lahat ngunit hindi alam ng lahat ang kwento niya.

Bukod sa kwento niya sa pamilya ay wala ng iba. Masikreto si Buloy, hindi mapipilit na magkwento o marahil walang nagtatanong kaya walang dahilan para magkwento siya ng mga nararamdaman niya.

Naalala ko tuloy 'yung unang beses siyang naglabas ng loob sa mga hinanakit niya sa lahat.

Isang gabi, sa umiikot na'ting mundo.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon