ᜀ| a l a k

1.2K 71 0
                                    

Naalala ko tuloy 'yung unang beses siyang naglabas ng loob sa mga hinanakit niya sa lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naalala ko tuloy 'yung unang beses siyang naglabas ng loob sa mga hinanakit niya sa lahat.

Kaming dalawa lang ang magkasama no'n, pinapunta ko siya sa bahay para ipaayos 'yung sirang gripo sa lababo.

Unang beses niyang pumunta no'n sa bahay na'min. Halos parehas lang kami ni Buloy ng katayuan sa buhay, angat lang ako ng konti pero namangha siya sa mga gamit at laki ng bahay na'min na mas kung tutuusin daw ay talagang hamak na mas maganda talaga kumpara sa bahay nilang punong-puno ng gulong ang bubong para hindi tangayin kung bumabagyo o malakas ang hangin.

Sobrang liit na hindi pa sila magkasyang pamilya.

Gusto kong kwentuhan ako ni Buloy tungkol pa sa kanya, gusto ko ikwento niya 'yung nararamdaman niya, gusto kong makita ang totoong Buloy pero nagpokus siya sa gripo na'ming nasira.

Wala naman kaming klase kinabukasan kaya nakaisip ako ng paraan.

Lumabas ako para bumili ng alak, paiinumin ko si Buloy.

Papakwentuhin ko siya.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon