ᜀ | a k o , s i g u r a d o

874 63 1
                                    

Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang pabalat ng kwarderno, nakita ko ang ilang mga baybaying nakasulat bilang panimula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang pabalat ng kwarderno, nakita ko ang ilang mga baybaying nakasulat bilang panimula.

Nagsimula kong ikumpara ang hawak kong kopya.

Inabot rin ako ng ilang minuto dahil medyo nakakalito at nakakahilo ang pagpapalit-palit ng tingin sa dalawang papel na hawak ko.

Pero hindi ako makapaniwala sa aking salitang nabuo. Lumakas ang tibok ng puso ko, nagsisitayuan ang balahibo ko sa kamay, sa mga hita't pisngi, maging sa aking batok.

Pakiramdam ko may mapuputol na ugat dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. Biglang bumigat ang pakiramdam ko, parang pasan ko ang lahat ng emosyong nakapaloob sa kwadernong hawak ko, kwadernong nakita ko sa damitan ni Buloy nang magpunta ako sa kanila.

Sa kabila ng gano'ng pakiramdam hindi ko mapigilang mapangiti. Sigurado nga ako, kay Buloy nga ang kwadernong ito.

Hoy, Hoy Buloy.
Kwentuhan mo ko tungkol sa buhay mo.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon