ᜈ᜔ | n a s a a n

1.1K 71 0
                                    

Hindi ko na gaanong nakikita si Buloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko na gaanong nakikita si Buloy.

Nangangamba akong baka hindi na nga talaga siya maka-enroll sa susunod na semestre. Ilang lingo ko hinanap 'yung umpukan ng mga tao.

Hinintay ko ang araw na maririnig ko ang iba't-ibang tawanan, naghanap ako ng mga salitang "Buloy, paki naman," at "Pa advice naman Tata Buloy," pero wala akong natagpuan.

Biglang nawala si Buloy, wala na ring bumabanggit ng pangalan niya. Walang naghahanap sa kanya, wala akong mapagtanungan, nagkunware akong wala rin akong pakialam pero hinahanap ng sistema ko si Buloy.

Gusto kong marinig 'yung tunog inodoro niyang tawa, gusto ko muling masilayan 'yung itim na kulay sa kanyang ngipin. Gusto kong muling marinig ang mga biro niyang sobrang benta.

Pero lumipas ang dalawang linggo, hindi na nga muling nagpakita si Buloy.

Buloy, nasaan ka na?

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon