ᜀ | a k o , p a t a y

939 67 7
                                    

"Sabi niya sa'kin, bago siya pumasok no'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sabi niya sa'kin, bago siya pumasok no'n."

Patlang.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"Ma, ito para sa pagkain, puno 'yan ah? Ito para sa gamot mo, sakto rin 'yan. 'Wag mong tipirin, at ito namang pula," napayuko si mama Gemma, humagulgol.

Kitang-kita ko ang paghagulgol ni Buloy nang makita kong humahagugol si Mama Gemma, parehas na parehas ang pagsayaw ng balikat nilang dalawa.

Sinakop ng dalawa niyang palad ang kanyag mukha. Hindi ko alam ang gagawin, muli akong nanigas nang buuin niya ang mga sinabi ni Buloy sa kanya, bago ito nagpakamatay.

"Para po 'to sa pamburol ko, kapag namatay na ako."

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon