ᜉ᜔ | p a n a n a w

984 60 0
                                    

Biglang umayos ang lahat simula nang mangyari 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biglang umayos ang lahat simula nang mangyari 'yon. Nakakapag-aral na ang bunso niyang kapatid, ang nanay niya naibibili na niya ng gamot maging panggatas ng anak ng tatay niya sa iba. Kahit hindi parin nagbabago ang tatay niya ay hindi na iniisip 'yon ni Buloy, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga hindi na niya gaano pinoproblema ang pera.

Si Buloy ay si Buloy parin. Sabay-sabay tayong nag-enroll nang sumunod na semestre. Namiss na'tin ang mala-inidoro niyang tawa, muli na na'tin nasisilayan ang itim sa gitna ng kanyang ngipin, ang masasayang banat niya.

Namiss na'ting lahat 'yon.

Palagi na kaming magkasama ni Buloy simula no'n. Napansin kong natututo na rin siyang piliin ang mga makakasama niya pero nandiyan parin siya sa tuwing muling tinatawag ang kanyang pangalan kapag may nanghihingi ng payo o ng tulong.

Naging mas malapit pa kami sa isa't-isa. Pinakita sa'kin ni Buloy ang mga parte ng buhay niya. Gano'n din ako sa kanya. Nagtutulungan kami, magkasama sa kalokohan.

Nakilala ko na ang kapatid niyang si Joshua at Joseph at si Mama Gemma, ang nanay niya. Kilala na rin siya ni Mama at Papa, kinuwento ko si Buloy sa kanila, sa kung anong pinagdaanan niya, sa kung gaano siya kasarap kasama at higit sa lahat sa kung paano niya pinaglaban ang karapatan na'min bilang isang estudyante.

Hindi naman ako binigo ni Buloy nang minsang ayain ko siya sa bahay.

Nagustuhan agad siya ni Mama at nakuha niya agad ang loob ni Papa dahil pareho silang mapagpatawa.

Dahil din do'n mas lumalim ang pagkakaibigan na'ming dalawa, sa isang iglap nagbago ang pananaw na'min sa isa't-isa.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon