ᜈ᜔ | n a y a n i g

1K 66 0
                                    

Nayanig ang mundo ng lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nayanig ang mundo ng lahat.

Gumawa ng malaking ingay ang grupo nila Buloy.

Nagising ang mga natutulog na isipan.

Saan napupunta ang siyam na libong matrikula?

Hindi naging madali para sa grupo ni Buloy paandarin ang kaso, hindi rin madaling kalabanin ang mga taong mas nakakaangat sa kanya.

Alam na'tin ang kahihinatnan kung sakaling hindi maisakatotohanan ang kanilang pamimintang, mas lalaki ang kanyang problema dahil mas malaking gulo ang pinasok niya.

Ngunit alam ni Buloy ang karapatan ng bawat isa, alam ni Buloy kung kailan tatahimik at kung kalian ipaglalaban ang karapatan niya.

"Habang ang mga magulang na'tin naghihirap makaipon para sa libo-libong gastusin, ang bawat pagkain sa hapag ay kailangang tipirin para merong laman ang tiyan kinabukasan, ngunit ang babaeng 'to nagsasayang nang mahigit kalahating milyon sa isang kainan gamit ang pera na pinagpaguran ng ating mga magulang! Paano niyo ipapaliwanag ito?! Mananahimik na lang ba tayo?! Hindi pwede! Tanggalin si Loydaco sa pagkapangulo!"

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon