ᜄ᜔ | g a m i t

1.6K 87 0
                                    

Kilala siya sa bansag na 'pakibuloy'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kilala siya sa bansag na 'pakibuloy'

Ito 'yung mga taong lumalapit sa kanya para magpa-ayos ng mga sirang gamit. Likas kasi kay Buloy ang pagiging makakalikutin at pagiging makuryosidad sa mga bagay-bagay kaya maraming lumalapit sa kanya kung may nais ipaayos.

Mula sa kaguruan na nais magpakabit ng ilaw sa departamento, maluwang na turnilyo ng pintuan, paglilipat ng mga gamit at kung ano-ano pa. Hanggang sa'ming kapwa niya estudyante, nilalapitan siya.

Pakibili naman kami ng canton na may kanin, Buloy.

Buloy, pakidala naman nito sa classroom ko. Sabay mo na.

Paki linis naman ng sapatos ko, Buloy. Natuluan ng sauce ng barbeque, e.

Tatatak sa isipan mo ang kanyang pagngiti, makikita mo ang nagingitim na gitnang ngipin niya. Ang pawisan niyang noo na nagpapatingkad ng malalaki niyang tigyawat sa mukha kasabay ng mga salitang "Sige."

Walang hinihinging kapalit si Buloy sa mga inuutos niyo gaano man 'yon kahirap. Nasa sa inyo na kung magbibigay kayo ng barya o mga tirang pagkaing hindi naubos.

Dahil do'n nagkaroon siya ng maraming kaibigan, 'yung iba sa una'y kinaibigan para mayroong mautusan ngunit ang iba, kalauna'y lumalim na rin.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon