ᜂ | o r a s

3.4K 97 1
                                    

Mahigpit parin ang hawak ko sa kwadernong nasa kamay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mahigpit parin ang hawak ko sa kwadernong nasa kamay ko. Masakit sa balat ang init ng araw, nahagip ng mata ko ang oras sa maliit kong relo.

A las dos Y media na ng hapon. Ganito ang saktong oras ng mapansin kong makakapal ang pawis ni Buloy habang binabagtas ang kahabaan ng pasilyo.

Hindi ko siya tinawag, sinawalang bahala ko ang lahat kahit hindi maganda ang aking kutob. Hinayaan ko si Buloy. Hindi ko akalaing sa sumunod na oras muli kong makikita ang makakapal na pawis na 'yon. Hindi na sa magkabilang sintido ni Buloy, kundi sa magkabila kong mata nang marinig ko ang mga sigawang; "Totoo ba? Patay na siya?"

Tatlong taon na ang nakararaan.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon