ᜄ᜔ | g

982 66 0
                                    

"Lagyan mo ng tuldok sa taas para magtunog E at I, kung sa baba naman ang tuldok tunog O at U 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lagyan mo ng tuldok sa taas para magtunog E at I, kung sa baba naman ang tuldok tunog O at U 'yon. Kapag binawasan ng letrang A may krus sa baba o 'di kaya'y may guhit galing sa ilalim paitaas. Ang isang pahalang ay indikasyon na isa 'yong kuwit, kapag dalawang pahalang tuldok naman 'yon," tiningnan ako muli ni Sir sa mata, tila nagtatanong kung ano ba ang gagawin ko sa mga baybayin na ito.

"Anong meron, Iho? Bakit bigla mo gustong matutunan 'tong baybayin?" binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Wala lang sir, nakakaproud lang po kasi na nagkaroon ng sariling alpabeto ang bansa na'tin," mas lalong tumamis ang mga ngiti niya.

Mahigpit ko paring hawak ang kwaderno. Sinabihan niya ako na ang tinuro niya ay babaying Rizaleo, ang tanyag at basikong baybayin.

Ang isa pa ay ang baybaying PUP, moderno ito at medyo kumplikado dahil dinagdagan na ang mga letra na wala sa Rizaleo, gaya na lamang ng F, X, Z, numero at marami pang iba. May pagkakahalintulad naman sila ng baybaying Rizaleo dahil doon naman binase ang baybaying PUP kaya kahit papaano'y maiintindihan mo at matututunan mo rin agad.

Nakangiti akong nagpaalam kay Sir ngunit napawi 'yun bigla sa aking paglabas ng malamig niyang silid.

Kasabay ng mainit na sampal sa'kin ng hangin mula sa labas, bigla akong kinabahan.

Nararamdaman ko 'yung makapal na pawis na bumabalot sa leeg at buong mukha ko na hindi ko alam kung dala ba ng mainit na panahon o dala ng mabilis na tibok ng puso ko.

Natulala ako sa papel na magiging gabay ko sa mahigpit na hawak kong kwaderno. Ilang beses akong napalunok dahil malakas na dagundong ng aking dibdib.

Sa loob na nakalipas na tatlong taon, nahanap ko na ang sagot sa mga katanungan ko.

Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The ChangemakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon