Untitled Part 9

911 24 0
                                    


"ANO GA are'ng si Lamberto, may pagsiksik pa dine— Ano ga?" Si Inay Biring. Yamot.

Nananaginip ba si Bechang o totoong may kausap ang kanyang lola? Antok na antok pa rin, umayos na lang siya ng puwesto. Ang Mamay Berto yata, sumiksik sa kanila. Sanay naman siya na nakakatabi pa rin sa higaan ang dalawa kagaya noong bata pa siya.

Si Inay Biring, talagang sa kanya tumatabi kapag nakainom ang kanyang mamay. Nababahuan daw sa asawa.

"'Wag mo akong yapusin, ano ga?" singhal pa uli ng Inay Biring. At biglang napatili nang kaunti. "Ay! Susmarya, ano ga iyan, Berto? Mahiya ka sa apo mo, matandang ito, manyak."

Napangiti si Bechang. Hindi panaginip. Totoo. Naglalampungan ang kanyang lolo at lola.

Yuckkkk. Ewwww.

Nagtalukbong siya ng kumot. Siya na lang ang lalabas at lilipat sa kabilang kuwarto kung kailangan. Malikot nga ang Mamay Berto, ramdam niya ang galaw nito sa kanyang likuran.

Tumawa naman si Inay Biring. "Aba'y ba't ganyan? Lumaki yata? Hindi naman iyan gay-an dati."

Pigil ni Bechang ang hagikgik.

Ah, kailangan na yata niyang lumabas.

Mayamaya ay parang nagpa-panic at yamot na naman si Inay Biring. "Sinabi nang!" pagbabanta nito, gigil sa inis. "Hindi nga maaari! Hindi ka na nahiya! Bumangon ka riyan, Berto! Alis! Lintik kang matanda ka—"

Ramdam ni Bechang na bumangon si Inay Biring.

Hindi na rin niya kayang magpatay-malisya, bumangon din siya. "Bakit, 'Nay?" Aninag niya sa dilim ang hugis nito, nasa may pinto na.

"Ala, iyang mamay mo, nagwawalang'ya," sabi nito, inis pa rin.

Nabuhay ang ilaw.

"Berto?!" bulalas ni Inay Biring sa lalaking nakahiga sa kama.

"Inay—" Nangatal pati talampakan ni Bechang. "Hindi yata are ang mamay."

Inferness, mas exciting naman ang version ni Bechang ng Frog Prince. Nagpaliwanag pa siya. 'Yon daw mga tubki, butiki. Ang dusong, daga. Kitkit, mga insekto. Tinanong ko siya kung taal—puro—siyang Batangueño dahil sa mga salitang nabanggit. Noon ko lang narinig, eh. Oo naman daw. 'Yong mga 'tubki' daw and the likes, salita raw ng engkantong mugi—kokak.

Eh, di wow.

Saan nga kaya papunta ang kuwentong are?

Tumingin ako sa relo. Mag-a-alas-singko na ng hapon. Nasa bahay na ang alaga ko tiyak. At tiyak din, mula pinto hanggang kusina ang kalat. Ang sapatos na hinubad, siguradong magkalayo. Ang medyas, nakasabit sa headboard ang isa. Ang kapares, bukas ko na matatagpuan. Baka hindi na. Parang true love. Ang pinagkainan ng Oreos, nasa paligid ng PC table... bakit? Bakit balahura ang anak ko?

"Naging tao na siya," sabi ni Bechang.

"'Tapos?"

ilb7"

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now