Untitled Part 77

536 19 1
                                    


TITIG na titig si L'aq'n kay Bechang habang paikot-ikot ito sa gitna ng mga nabulabog na makukulay na kitkit. Gusto na niyang lapitan ang dalaga para mahanap na si Runo pero para siyang napako sa kinatatayuan. Ayaw sumunod ng katawan niya sa kanyang isip.

Mayamaya ay dumapa pa si Bechang sa damuhan, nagpagulong-gulong. Huminto. Naupo at pagapang na sumuot sa ilalim ng kumpol ng mga halamang may asul na bulaklak. Pang-upo na lang nito ang nakikita niya.

Nang lumitaw uli si Bechang, may hawak ng...

Mugi.

Nakapatong iyon sa palad ni Bechang habang hinihimas ng isang kamay ang likod at ulo ng mugi.

"Hindi na 'ko natatakot at nandidiri sa inyo... Malay mo, prinsipe ka rin. Prinsipe ka ba?" tanong nito sa mugi.

Hinalikan nito iyon.

Napapikit si L'aq'n, inihanda ang sarili sa pagbabalik niya sa totoong anyo... Ang malamig na malamig na pakiramdam habang tila walang bigat...

Dumilat siya. Pangitain lang. Hindi siya mugi.

Pinakawalan na ni Bechang ang mugi.

Napapaisip si L'aq'n. Ang pangitain ay may kasamang... damdamin. Hindi niya kilalang damdamin. At parang hindi iyon pangitain. Alaala. Ng mugi.

"HINDI ka prinsipe," sabi ni Bechang at eksaktong lumukso mula sa palad niya ang palaka ay may nahagip ang sulok ng kanyang mga mata. Sa kanan. Sa hilera ng mga punong pula ang dahon.

Tumakbo na siya papunta roon.

Natigilan.

Tubig. Lake yata, mas maliit sa karaniwang swimming pool. Asul na asul ang tubig na parang hindi gumagalaw. Sa gitna ng tubig ay may nakalutang na dahon... parang lotus, malaki lang at may bulaklak iyong puti na mukhang babago pa lang namumukadkad.

Sa kabila ng lawa, nakaupo si Runo, nakatitig sa bulaklak. Suot pa rin ang polo at slacks pero hinubad na ang sapatos.

"Senator!" sigaw ni Bechang. "Runo!" At lumigid na siya sa lawa para malapitan ang Salamancero. "Niloko mo ako! Sinungaling ka! Sa 'yo nanggaling ang Hubri!" Nasabi na iyon ni Lakan, sa paraang walang damdamin. "Pinatay mo ang Hakim!"

"Ginawa ko ang dapat kong gawin, Dinapuan," sagot nito pagtayo.

"Gusto mo lang kunin ang bulaklak na 'yan! Patay na ang asawa mo! Patay na si Estella! Tanggapin mo 'yon!"

"Ang pagtanggap ay sa Adomina lamang."

"Niloko mo ako sa Adomina'ng yan! Dahil diyan, hindi na ako mahal ni Lakan."

"'Yon ba ang ikinagagalit mo? Pero babalik ang damdamin niya sa 'yo, higit na masidhi kaysa dati—"

"P-paano—"

"Kapag nailayo ko dito ang bulaklak." Tumingin ito sa lawa. "Muling lalakas ang Malus, mas maalab kaysa dati. Hayaan mong pitasin ko ang bulaklak at dalhin kay Estella. Pareho nating makakamit ang gusto natin, Dinapuan.

"Ang gusto ko lang ay makapiling muli si Estella. Hindi na ako babalik dito kung hindi siya nagkasakit. Hahayaan ko nang mawala ang aking kakanyahan at manatili na lamang sa inyong sukod. Hindi ko gustong paslangin ang Hakim... kung sana ay pinagbigyan niya ang hiling ko na pagalingin niya si Estella."

"Ang Hakim ang nagpapagaling?"

"Dahil dito sa lawa ng Adomina binibinyagan ang mga susunod na Hakim. Nagkakaroon sila ng kakayahang magpalakas ng enerhiya ng may sakit."

Kaya nagamot ni Lakan ang ninang niya.

Nagpatuloy ang senador. "Hindi ako pinagbigyan ng Hakim. Hindi niya pinaniwalaan ang pag-ibig ko kay Estella. Ipinakulong niya ako dahil kagaya mo, isa rin akong Dinapuan."

"Saan galing ang Hubri?"

"Sa sukod n'yo. Naipon sa mga kristal ni Estella. Dumapo sa akin ang Hubri nang magkasakit siya. Napuno ako ng takot at insekyuridad. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala si Estella... hindi ko kaya."

Nabalitaan daw ng mga Amulaki ang nangyari sa senador, tinulungang makatakas. May Amulaki na nanggaya ng anyo ng kawal para makapasok sa dungeon. Doon ay binago rin ang anyo ng senador para magmukhang kawal at malayang makalabas.

"Bakit may kapangyarihan ang mga Amulaki?" tanong niya.

"Dahil hawak nila ang kristal ng Malus ni Azra, ang unang Hakim."

"Amulaki ang unang hari?"

"Napaslang siya ni Horak, ninuno ni Lakan. Nakipagsabwatan ako sa mga Amulaki. Gusto kong makuha ang Adomina. Nais naman nilang mawala iyon sa emperyo upang mapagsama nila ang mga kristal ng Malus. Hindi nila magagawa habang malakas ang Adomina."

Parang naguguluhan si Bechang. Ayaw pakawalan ng Malus ang Adomina pero mas lalakas ang Malus kung walang Adomina.

Magulo.

"Bakit hindi kinukuha ng... gobyerno 'yong kristal ng Malus sa mga Amulaki?" tanong pa niya.

Ngumiti si Runo. "Dahil hindi nila nalalaman, Dinapuan. Pero ngayon, kahit malaman nilang lahat, wala silang gagawin dahil alipin sila ng Adomina."

"Pero 'pag nawala ang Adomina, kikilos sina Lakan laban sa mga Amulaki—dadakipin sila—"

Ngumiti lang si Runo at naupo na uli para panoorin ang pagbuka ng bulaklak. Tumakbo na si Bechang pabalik kay Lakan.

"May binabalak ang mga Amulaki, Lakan," sumbong niya. "Pagsasamahin nila ang mga kristal ng Malus para masagad ang powers. Kailangan n'yo silang hulihin."

"Bechang, hindi nagagapi ang hindi lumalaban."

Oo nga naman.

"Pero dadalhin ni Runo sa kabilang sukod ang bulaklak."

"Mangyayari ang mangyayari sa Daang Adomina."

Juskoh, wala talaga siyang pake.

Pero bakit nga ba niya pakikialaman kung kapag naman nakuha na ni Runo ang pakay ay babalik na rin ang feelings ni Lakan sa kanya? Iyon lang ang mahalaga. Kapag nangyari na iyon, hindi na siya matatakot ipakita kay Lakan ang pagmamahal niya. Paliliguan niya ito ng pagmamahal minu-minuto, araw-araw.

We will live happily ever after.

Kumapit siya sa braso ni Lakan. "Sana bumukadkad na ang Adomina."

Kumunot ang noo ko kay Bechang.

Romantic love is borne out of attachment. I'm at a point where I find the concept shallow. There's got to be more to love than longing and desire. It should be bigger... greater than two people.

Synergy. Math principle na ang ibig sabihin ay higit sa halaga ng dalawang bagay ang halaga ng mga iyon kapag pinagsama. Or something like that. One plus one is not two. One plus one is greater than one plus one.

Dapat gano'n ang LOVE.

Romantic love is just a biological tool to ensure the survival of the specie. Kahit iyong romantic love between people of the same sex. Paraan iyon para hindi sumobra ang dami ng tao sa mundo.

Oo, ako na ang Kill Joy. Kasi, I've been there. I've done that. The whole enchilada of romantic love.

Science and Budhha cured me.

Ewan ko lang itong si Bechang...

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now