Untitled Part 88

535 24 0
                                    


HINDI tuminag si Bechang sa pagkakadapa hangga't hindi umaalis ang babaeng isda at ang Amulaki. Sinasabi na nga ba niya, eh. May Malus ang sirenang chaka. Hindi lang iyon, kasabwat ng Amulaki.

Pero si Lakan, relaxed na relaxed pa rin kahit ito mismo ang translator. "Buhay mo ang nakasalalay, hoy," asik niya. Kung puwede lang sumigaw, sumigaw na siya. Niloloko ka lang ni Elekia, hindi kayo totoong itinakda, ginamitan lang ng Amulaki powers para dayain ang palad n'yo!

"Gusto ni Layna na magsanib na kayo ni Elekia para mabuntis mo na agad ang chaka. Pero alam ko naman na wala kang pake. Kaya ito, ha, huwag na huwag kang aalis sa tabi ko. Lagi tayong magkasama. Magkasama tayong kakain, tutulog. Basta lahat. Nasa'n na si Kunig?" Siya na ang sumigaw. "Kunig! Kunig! Yoo-hoo! Tsuuuu!"

Si Josh ang dumating.

Pinatayo ni Bechang si Lakan. "Tara na. Kay Josh na lang tayo sumakay." Lumapit siya sa kemira. "Saan ka ga naglalagi? Pasulpot-sulpot ka."

"Sa kanilang pastulan," sagot ni Lakan, nauna nang sumakay sa kemira.

"Bakit?" Nagtataka si Bechang dahil titig na titig ako sa kanya.


"Ano'ng ginawa mong kakaiba sa buhay at naranasan mo 'yang ganyan?" sabi ko.

"Natakot ako sa millennial bug." Tumayo siya. "Magsasaing lang ako, ha. Dadating na ang mga inay mayamaya. Diyan ka muna. Feel at home."

Kumuha ako ng photo album sa ilalim ng center table. Pinoy na Pinoy si Bechang. Talagang may photo albums na naka-display sa sala. May-kalumaan na ang nadampot ko, madilaw na ang cover at wasak-wasak na ang mga plastic kung saan nakasuksok ang mga larawang kupas.

"Hala!" bulalas ko sa unang larawan. "Ito ang simboryo?" Base sa mga damit at hairstyle ng mga lalaking naka-pose, at sa kulay ng picture, late seventies iyon. Malalagong buhok na sa gitna ang hiwa. High-waisted na flared pants, hindi maong, ha. Mga maroon at green ang kulay. "Alin dine ang Mamay Berto mo?" tanong ko pa.

Nahulaan naman ni Bechang kung ano ang tinutukoy ko. "Ang mamay ang naka-squat, may yosi, at manok—"

"At Adidas Superstar!" Hagalpak ako pero tanda ko talaga ang sapatos na iyon. Sikat talaga noon. Halos lahat, may ganoon. Ewan lang kung uso na noon ang fake. Mga magsasaka, driver, copra dealer—like my father—naka-Superstar.

Tumawa rin si Bechang. "O, 'di ba? Japorms ang mamay."

Sinuri ko pa ang picture, faded glory na talaga, eh. Uy, popular brand name iyon noon. Faded Glory.

Nasa forties na siguro ang mamay ni Bechang. Hindi litaw ang ngipin sa pagkakangiti pero alam mong masaya. Nanalo siguro ang dalang manok. Maalon-alon ang buhok. "Guwapo pala ang mamay, eh," comment ko pa. "Kahawig mo." Ang ilong at tabas ng mukha.

Nagbuklat pa ako. Narinig ko ang sound ng rice cooker plunger. Mayamaya ay nasa tabi ko na uli si Bechang.

"May picture ka ni Lakan?" tanong ko.

Yumuko siya at kinuha ang isa pang photo album.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now