Untitled Part 66

540 21 5
                                    


"KAMAHALAN!" Sinisiyasat ni Lozar ang isang yungib. Mayroon doong nakakalat na mga prutas at kakaibang saplot. Hinagod din ng kawal ang suot ni L'aq'n pero hindi nagtanong. Alam na marahil nito na napadpad siya sa ibang sukod.

"Lulan sila ng kemira. Tayo na!" wika ni L'aq'n. Pinaspasan niya ang pagpapatakbo sa ekina. Sana ay hindi pa huli ang lahat. Malayo-layo na sila sa yungib nang mapansin niyang tila wala na siyang kasunod na mga kawal. Luminga siya. Si Lozar na lang ang nasa likod niya. Ngunit nagtataka man, hindi iyon ang oras para magtanong. Mas pinabilis pa niya ang ekina.

"ITO ANG Templo ng Sigmus," sabi ng senador pagbaba nila sa lupa. Babago pa lang na lumiliwanag. Ang langit ay orange, dilaw, purple, at mga kombinasyon niyon.

Nasa isang burol ang templong panay haligi lang naman. Sa marmol yata gawa. May patatsulok na bubong, parang iyong mga nasa Greece. May hagdan sa isang panig ng burol paakyat sa templo pero sa tabi na mismo sila ng haligi bumaba dahil sa kemira.

"Halika na." Pahaltak na hinila si Bechang ng senador paakyat sa tatlong baitang ng templo.

Sa pinakagitna niyon ay may mesang parang marmol din pero puting-puti. Nakapatong doon ang mga itim na itim at mga malinaw na kristal. Tusok-tusok na parang pugad. At parang... parang may mga ugat sa loob ng mga itim na kristal. May dumadaloy na...

"Apoy?" tanong niya.

"Ang alab ng Malus," sagot ni Senator Joe. "Lumapit ka na, Dinapuan," utos nito.

"Ano ho ang gagawin ko?"

"Itapat mo ang iyong mga kamay sa mga kristal."

"Uh, okay."

Parang pelikula lang, sa loob-loob ni Bechang. Sino ang maniniwala kung ikukuwento niya? Ang mamay lang at ang inay.

"Ano pa ang hinihintay mo, Dinapuan?" angal ng senador, obvious na atat na.

"Wait lang ho, bumubuwelo pa." At kinakabahan din siya. Ano ang mangyayari? May lalabas ba sa kanyang sinag? Usok? Ano? Nilinga niya si Senator Joe. "Wala ho bang epekto ito sa kalusugan ko?" Paano kung pag-uwi niya ay may kanser na pala siya? "Ano ga hong kristal ito? Baka plutonium—" Kristal ba ang plutonium?

"Kristal ng Malus."

"Sa inyo. Eh, sa amin? Baka may radiation ito—"

"Ngayon mo lang naisip 'yan? Naririto ka na?"

"Pasensiya na ho. Ninenerbiyos ako, eh." Mahilo-hilo pa si Bechang sa biyahe sa kemira. Isang karagatan yata ang tinawid nila. Kaya siguro hindi uso sa sukod na iyon ang mga bansa. Lahat ng lugar, 'flying distance' ng mga kemira.

Bumuntong-hininga si Senator Joe. "Hindi ka mapapahamak, hija. Isasalin mo lamang ang Hubri na nasa iyo sa Malus. Upang manaig ang kabutihan laban sa kasamaan."

Kabutihan laban sa kasamaan.

"Okay." Gets niya iyon. Itinapat niya ang mga kamay sa mga kristal.

May narinig siyang mga yabag. Parang sa... Iyon na ba ang Hubri?

"Bechang, gawin mo na!" sigaw bigla ng senador.

Kabayo! Iyon ang narinig niyang yabag. Pero hindi eksaktong kabayo, mas mataas, mas malaki. Abuhin ang kulay. May nakasakay na lalaki. Isa pang 'kabayo' ang dumating sa templo at sakay si...

"Lakan!" sigaw niya.

"Bechang, lumayo ka sa kristal!" utos nito, bumaba ng 'kabayo' at pumasok na sa templo.

"Bakit? Kailangan. Para manalo ang Adomina—"

"Hindi mo nalalaman ang sinasabi mo, Bechang. Nililinlang ka ni Runo."

"Ha? Sino si Runo?"

"Siya!" turo ni Lakan kay Senator Joe. Kasabay niyon ay hinawakan ng kasama ni Lakan ang senador.

Sumigaw ito kay Bechang. "Pinaghaharian sila ng Malus, Bechang! Ikaw lamang ang makasasagip sa kanila upang hindi sila tuluyang sakupin ng kasamaan!"

"Sa akin ka maniwala, Bechang." Palapit nang palapit sa kanya si Lakan. May hawak itong espada. "Hindi puwedeng mawala ang Malus."

"M-masama ang Malus, Lakan."

"Hindi mo naiintindihan, Bechang. Ang dalawang enerhiya a—"

"Ikaw ang hindi ko maintindihan. Gusto ko lang makatulong sa inyo. Para mas manaig ang Adomina—"

"Hindi maaaring manaig ang Adomina!" sigaw na ni Lakan. "Si Runo ang Salamancero! Niloloko ka niya!"

"Nasa puso mo ang katotohanan, Dinapuan!" sabad ng senador. "Matatanggap mo ba na maghari ang kasamaan sa buong sanlibutan? Kung kaya mong wakasan ang mga digmaan, hindi mo ba gagawin?" Bigla itong yumuko, nagulat ang lalaking may hawak dito at naisalya ito ng senador at agad naagaw ang espada.

Humarap si Bechang sa mga kristal, itinapat na uli doon ang mga kamay.

"Nagkakamali ka, Bechang. Hindi maaaring maglaho ang napakagandang bagay. Nakikiusap ako—" Parang nagdilim ang mukha ni Lakan. Itinaas ang espada at nilusob ang senador.

Napasigaw si Bechang. "Lakan!" At nararamdaman na niya... mayroong parang kuryenteng dumadaloy sa kanyang kalamnan at parang sumasabog sa dulo ng mga daliri niya.

Tumingkad ang alab ng Malus hanggang sa parang sumasabog ang mga ugat na dinadaluyan nito.

Nilinga niya ang senador. Gusto na niyang magduda sa nangyayari. Paano kung mamamatay pala siya? Pero hindi niya maigalaw ang mga kamay, masyadong malakas ang daloy ng enerhiya. Katulad ng hose ng bumbero ang mga braso niya kapag malakas ang pressure ng tubig, iwawasiwas ka kapag basta mo hinawakan.

"Hahadlangan ko siya, Bechang! Ipagpatuloy mo!" sabi ni Senator Joe. "Gawin mo na upang hindi ka nila madakip!" Natadyakan ito ni Lakan. Agad sinunggaban ang senador ng lalaking isinalya nito kanina. Iyon naman ang kinalaban.

Tumakbo sa kanya si Lakan. Hahagipin ang mga kamay niya pero hindi nito mahawakan, napaatras pa ito na parang may tumulak.

"Lakan—" ungot ni Bechang. "H-hindi ko mapigil—" Kahit gustuhin niyang ilihis ng direksiyon ang mga kamay, hindi niya magawa.

"Ano ang ginawa mo, Bechang?" anas ni Lakan. "Bakit ayaw mong maniwala sa akin?" Pinipilit pa rin nitong makalapit sa kanya. Naghihinanakit ang anyo pero higit pa roon. Parang nanghihinayang. Nasasaktan. "Mahal kita—" Nabasa ng luha ang mga mata nito.

Bigla siyang binitawan ng puwersa na parang pumipigil sa kanya. Napalugmok siya sa sahig.

Para daw ngimay ang mga braso ni Bechang at kamay. Ang pagkakaiba lang, hindi talaga niya maigalaw.

Ini-imagine ko naman ang black crystals with veins of fire. Kung paniniwalaan ko itong si Bechang, kailangan ko na ring paniwalaan ang powers ng mga crystals, like rose quartz.

Graduate na 'ko sa mga gano'n, eh. Meaning, dati naniwala ako. Dumayo pa ako sa Makati para bumili ng rose quartz bracelet na may orasyon ng Intsik. Ang mahal, eight hundred pesoses na twenty years ago. Pero pampasuwerte raw sa love life sabi ni Kris A, de binili ko pa rin. 'Ayun, awa ni Batman, walang suwerteng nangyari sa love life ko. At ni Kris. HA-HA.

Hindi ko na alam kung nasaan ang bracelet na 'yon. Come to think of it, parang... it simply vanished from my life. I don't even know when. But I remembered that it was when I had that bracelet that my life had started to change.

Nagbago ang lahat sa buhay ko.

Dahil kaya sa... crystals?

E N G K A N T OΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα