Untitled Part 50

607 15 0
                                    


"INAY Biring, bakit ayaw n'yong sabihin sa akin kung nasaan si Bechang?" Umaga pa umalis si Bechang, ngayon ay madilim na pero hindi pa rin umuuwi. Hindi naman napigilan ni L'aq'n nang umalis dahil nagdatingan na ang mga magpapagamot. Mas marami pa ang mga iyon kaysa nang mga nakaraang araw. Halos hindi na siya nakapagpahinga. At nanlulumo siya tuwing susuwayin ang Adomina. Kailangan na nilang mag-usap ni Bechang tungkol doon.

Ang katotohanan, marami silang dapat pag-usapan.

Hinihintay siya sa Nalla. Pero hindi niya magawang sabihin kay Bechang. Iiwan niya ito, mabigat iyon sa damdamin, lalo na at walang kasiguruhan kung kailan siya uli babalik. Kailangang maparusahan ang mga Amulaki. Talagang naghahangad pa rin ang mga iyon na mabawi ang pamumuno sa emperyo.

At si Bechang mismo. Ang Hubri na taglay nito...

Umangil si Inay Biring. "Sumimba nga." Padabog nitong ibinaba ang plato sa harap niya. "Kain na." Pasinghal din ang tono nito.

"Galit kayo?" tanong niya.

Hindi sumagot ang matandang babae. Sa halip ay padabog pa rin siyang binigyan ng isang basong tubig.

"Galit kayo dahil mahal ko si Bechang," sabi ni L'aq'n. "Bakit kayo nagagalit?"

"Dahil hindi ka tagarito. Dahil hindi ka tao. Magdudusa lang ang apo ko sa 'yo. Ngay'on pa nga laang, eh, nagdudusa na kaming lahat. Hanggang kailan ka dito? Kailan titigil ang mga taong pumunta dito? Nakakapagod, eh. Kung sino-sino na ang dumadayo dine, hindi na ako makapagpahinga. Bakit hindi ka pa bumabalik sa inyo?"

Hindi niya iyon kayang sagutin.

"Pupuwede gang hindi ka na babalik doon? Hindi mo pa rin naaalala kung paano? Hindi ka hinahanap sa inyo? Kung magdatingan dine ang mga kasamahan mo? Hindi mo sila nami-miss?"

Napatiim ang mga bagang ni L'aq'n.

Biglang tumatawag na at kinakalampag ni Bechang ang gate. "Inay!"

Parang itinudla palabas si L'aq'n. Pero nanlumo siya nang makitang nasa labas din ng gate ang kotse ni Nikko. Nanlumo at nagalit. Hindi sa lalaki. Sa asal ni Bechang.

"Kasama mo siya? Pagsimba?" asik niya kay Bechang.

"O-oo. Ano naman?"

"Ayoko at alam mong ayoko. Bakit ginawa mo pa rin?"

"Hoy, Lakan, hindi mo ako pag-aari, ha. Buksan mo muna 'to." Kinalog ni Bechang ang gate.

"Hindi kita papapasukin."

"Ha?"

"Sinuway mo—"

"Ano ka, hari? Prinsipe ka pa lang. Saka, dito, hindi ka prinsipe at malabo kang maging hari. Pamamahay ko 'yan, papasukin mo 'ko!" Lalo nitong kinalog ang gate. "Inay! Inay! Si Lakan ho!"

"Sinuway mo ang damdamin mo," pagtatama niya.

"Malay mo sa damdamin ko?"

"Nararamdaman ko. Bakit mo ginagawa 'yon? Hindi naman kita iiwan." Napayuko siya.

"'Kala mo lang 'yon. Hindi ako naniniwala." Tumingin ito sa pinto. "Inay, pabukas ho. Ayaw ni Lakan magpapasok."

Lumapit sa gate si Inay Biring. Hinarangan ito ni L'aq'n. "Hindi siya papasok hangga't hindi niya tinatanggap ang pagkakamali niya."

Bumaba na rin ng kotse ni Nikko. "Ano ba 'yon?" tanong nito kay Bechang.

"'Wag kang makialam!" sigaw niya sa lalaki. "Ekstra ka lang!"

"Umuna ka na, Nikko. Kami na ang bahala dito. Okay lang kami," paniniyak ni Bechang sa lalaki.

"Hindi kami okay," sabad ni L'aq'n. "Galit ako sa kanya."

"Eh, brad, mas maganda naman siguro kung pag-uusapan ninyo nang maayos, hindi 'yong dito kayo sa labas mag-aaway. Papasukin mo si Bechang."

"Huwag mo kaming linlangin. Gusto mo lamang maging mabuti sa kanilang paningin."

"Hindi naman gano'n, brad."

"Hindi brad ang pangalan ko."

Sumingit na uli si Bechang. "Umuwi ka na muna, Nikko. Pasensiya na talaga."

"Bakit ka sumasama sa kanya?" tanong ni L'aq'n kay Bechang, "Hindi naman siya ang gusto mong kasama."

Sumingit na rin si Inay Biring. "Lakan, utoy, pausap na. Doon na tayo sa loob mag-usap."

Tinimbang ni L'aq'n ang mga bagay-bagay. Ayaw pa rin talaga niyang papasukin si Bechang. Sumakay na uli si Nikko sa kotse at umandar na iyon palayo. Panay ang pakiusap ni Inay Biring. Tahimik na si Bechang. Nakikipagmatigasan ng damdamin.

Biglang lumiwanag na naman ang kalsada. Isang sasakyan ang dumating at huminto sa likuran ni Bechang. Malaking sasakyan. Itim. Namatay ang ilaw niyon. May bumaba na isang babae.

"Magandang gabi sa inyo," bati nito. Lumapit sa kanila at tumingin kay Lakan. "Ikaw ang manggagamot, hindi ba?"

"Oo. Hindi na ako nanggagamot."

"Baka puwedeng pag-usapan natin. Ako nga pala si Gigi. Ahhhm, can I come in?"

"Kung puwede daw siyang pumasok," sabi ni Bechang.

"Puwede siya pero ikaw hindi."

"Alam niyang takot akong maiwan," sabi ni Bechang nang ibaba sa center table na black glass ang pitsel at baso ng tubig. "Kaya hindi niya sinasabi na naaalala na niya lahat-lahat."

"De mahal ka nga niya."

Tumango si Bechang.

"Haba ng hair mo," sabi ko.

"Pero alam mo 'yong feeling na hindi ka naniniwala na mahal ka ng isang tao—"

"Engkanto."

"Oo, sa kaso ko, engkanto. Parang... ano ang gugustuhin niya sa akin? Ano ang nakita niya? Ako mismo, walang nakitang nakakatuwa sa sarili ko."

"At least hindi ka GGSS." Samantalang iyong iba, nakawayan lang ng kras, aba'y mahal na raw sila.

"Ako 'yong kabaligtaran. PPSS."

"Pangit na pangit sa sarili."

Natawa naman ako pero somehow, naiintindihan ko si Bechang. There were times in the past when I also felt... unworthy. Hanggang ngayon naman. Aba naman kasi, kung bigla rin akong liligawan ni Daniel Craig, magdududa rin ako at malamang sa malamang, hindi ako maniniwala na type ako n'on.

At kahit maniwala ako—funny-walain ako, remember?—hindi ko pa rin 'yon sasagutin dahil, paano ko 'yon paliligayahin? 'Pag may topak ako, wala akong sinasanto maski true love. Mabubuwisit 'yon sa 'kin. Eventually, iiwan ako.

Kaya 'wag na lang, 'di ga?

May kilala akong very old maid dati. RIP na iyon ngayon. Noon, 'pag tinatanong namin ng mga BFF kung bakit hindi siya nag-asawa, ang laging sagot, "Masama ugali ko." Tatawa lang kami.

Ngayon, naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng matanda. Hindi lang niya kayang ipaliwanag sa mas mahabang salita kaya sinasabi na lang niya na masama ang ugali niya.

But it was really about being accountable. Alam niya ang kahulugan ng pag-aasawa. Alam niya ang hinihingi niyon sa isang babae at lalaki. Habang-buhay mong aakuin ang responsibilidad sa isang tao. Ang kaligayahan o kalungkutan niyon, hawak mo dahil lahat ng gagawin mo, lahat ng desisyon mo, makakaapekto sa asawa mo.

To some of us, that is waaay too much. It's not selfishness. It's simply knowing the extent to which we can give and take.

Sinabi ko 'yon kay Bechang.

"Oo nga. Gano'n nga," sabi niya. "Parang... kaya ko ba?"

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now