Untitled Part 53

510 21 1
                                    


HINDI alam ni Gigi kung ano ang pakay ng senador sa babaeng kasama ng manggagamot. Absent sa hearing si Senator Joe, ipinatawag siya sa bahay nito at inutusan. Puntahan daw niya ang sikat na manggagamot pero tiyaking kasama ang babaeng may uban.

Mag-isip na lang daw siya ng dahilan para magawa iyon. Mahigpit ang utos. Kailangang madala niya sa bahay ang babaeng may uban.

Turned out, hindi na niya kailangang magdahilan. Hibang sa babae ang manggagamot. Hindi kapani-paniwala. Ano ang nakita ni Lakan kay Bechang? He was... ugh, what a guy! So handsome... so solid... so gentle and yet... so imposing.

Tumingin si Gigi kay Lakan at binuksan ang guest room. "Halika muna. May mga ipapaliwanag muna ako tungkol sa kondisyon ng senador." Pumasok na siya, hila ang kamay ng lalaki. "Sa totoo lang, 'wag ka sanang mao-offend, ha. Hindi kasi ako naniniwala sa mga kagaya mo at worried ako sa gagawin mo. Uh, hindi kasi puwedeng basta-basta hawakan si Senator Joe—" Isinara niya ang pinto.

Sa Internet niya nakita si Lakan. She wasn't that impressed. Just a cute guy, parang si Piolo Pascual. So what?

Iba pala sa personal.

Pupusta si Gigi, maski si Piolo mismo, hindi nagtataglay ng karismang katulad ng kay Lakan kapag kaharap mo na, katabi, kausap. The guy was mesmerizing. Hypnotic. Magnetic. One was simply drawn to him and there was nothing anyone could do about it. You simply accept your fate.

Napangiti si Gigi.

She was smitten and it was exciting.

Isa pa, kailangan din niyang malaman kung ano ang pakay ng senador kay Bechang. Kukunin niya ang impormasyon kay Lakan mismo. Sigurado siya, importante iyon, base sa behavior ng senador.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now