Untitled Part 34

579 26 1
                                    


DINALA ni Bechang sa kuwarto ang engkantong palaka at baka naman makita ng mga bata sa kapitbahay, hulihin at paglaruan.

Ibinaba niya ito sa kama. "Ang hirap kasing i-explain, Lakan." Titig na titig ito sa kanya. Parang galit. "Ang hirap kasing paniwalaan na mahal mo ako. 'Tsura kong 'to? Gusto kong maniwala pero paano kung... hindi pala totoo? Engkanto ka nga, eh." Naupo siya sa kama. "Paano, aber? 'Pag hinalikan kita, nagiging kokak ka diyan? Paano tayo dadami? Paano kung hindi talaga puwede, Lakan? Paano ako?"

Ribbit.

Lumundag ito. Sa hita niya lumanding. Tumitig na naman sa kanya.

"Okay." Marahan niyang inilapit ang mga labi sa bibig nito.

Sa isang iglap, may lalaking hubo't hubad sa harap niya. Nakaluhod sa kama ang isang paa, nasa sahig ang isa.

Nakasalpak sa mukha niya ang...

"Ano ba?" Napahiga si Bechang sa gulat. "Lalayo ka naman kaunti. Juskoh." Engkanto ba ito o tikbalang?

Pagkalaki.

Hindi bale nang lantutay at supot.

Pagkalaki talaga.

Hindi pa ito tuminag sa puwesto.

"Huy, Lakan!" asik niya. "Ano ba?" Ayaw na niyang tumingin pero napapatingin pa rin siya. Kaya nakita niya kung bakit hindi pa tumitinag si Lakan. Nakayuko ito, nakatingin sa tabako ng kapre. Parang problemado.

"Yaiiii!" Eject sa kama si Bechang. "Hindi puwede! Hindi puwede! Bawal! SPG!" Tumakbo na siya palabas, hingal na hingal, ayaw bumagal ng tibok ng puso niya.

Dahil nakita niya, hindi na lantutay.

Nakakatakot. Pero... Nakaka-excite. Shi-eeet! Cannot be! Jusko, 'wag! I kenaaaat!

Pumasok siya sa kabilang kuwarto. Naupo sa kama. Tumayo. Nagpalakad-lakad. Naupo.

Ayaw matanggal sa isip ni Bechang si Lakan. Para itong bathala. Bathala ng Pag-ibig. At ang puso niya, nag-uumalpas. Parang palaka na gustong lumundag pabalik kay Lakan.

Jusko 'wag naman po sa engkanto.

Pero paano kung nangyayari na talaga? Nagmamahal siya sa isang engkanto.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now