Untitled Part 84

486 17 1
                                    


PARANG huminto ang puso ni Bechang. Tumingin sa mga labi niya at yumuko si Lakan. Hahalikan siya at parang... parang curious sa kanyang mga labi.

Kaso mo... daig pa niya ang nakalulon ng isang kilong batong-puraw. May lumapit na babaeng nilalang—nilalang talaga, hindi niya magawang tawaging tao—nakipag-gimme five kay Lakan at...

Iniwan na siya ni Lakan sa kinatatayuan niya mismo. Sumama ito sa babaeng... sa babaeng mukhang isda!

Sirena?

Hindi. May paa.

Syokoy!

Iyon ba ang harpa?

Mukhang lumot ang buhok, ang laki ng mga mata, tulis ang nguso, at mukhang butas lang ang ilong.

Maganda ang hubog ng katawan, oo.

Pero namannnn... parang tulingan! Nangingislap sa sinag ng buwan ang katawan. Wala namang kaliskis. Tulingan talaga.

Doon makikipagsanib si Lakan. Hahalikan nito ang ngusong mala-piranha.

Juskoh. Malansa.

Pero walang magawa si Bechang kundi habulin ng tingin ang dalawa habang nakanganga.

Lumingon sa kanya ang tulingan.

Ngumiti.

Napaismid si Bechang. Nang-iinggit ka, 'teh?

Natigilan siya. Ngumiti. Nang-iinggit. Nagmamagaling. Nakakababae.

May Malus!

Natatawa ako dahil pareho pala kami ni Bechang ng iniisip tungkol sa Daang Adomina. Si John Lennon.

"'Di kaya engkanto 'yon, si John Lennon?" sabi ko. "Engkantong napadpad dito sa dimension natin, 'tapos nakalimutan na niyang engkanto siya pero may longing siya for something... like peace."

"Huy, totoo 'yan."

"Ha? Nakita mo sa emperyo si John Lennon?"

"Hindi 'yon. 'Yong nakalimutan... 'di ga, no'ng una, wala sa picture si Lakan, 'tapos no'ng tumatagal, lumalabas na siya sa pictures. Kasi daw, sabi ni Runo, 'pag matagal na matagal na sila dito, nawawala na 'yong kakanyahan or essence nila, napapalitan ng essence natin. Parang nagiging tao na rin sila."

Tumango ako. I pretty much deduced that.

"Pero hindi ka maniniwala kung sino ang tagarito na nandoon ngayon."

"Sikat?"

"Oo."

"Lalaki?"

"Oo."

"Artista?"

Umiling si Bechang. "Hindi."

"Bayani?"

"Mmmmm, depende."

Uminom ako ng tubig. "Sino?" 

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now