Untitled Part 47

521 22 0
                                    


"ANO ANG ginawa mo kanina, Lakan?" tanong ni Bechang. Pinalabas sila ng nurse ng kuwarto para malinisan at mapalitan ng damit ang pasyente.

"Binigyan ko siya ng lakas."

"Ha?" Ano ang ibig sabihin niyon?

"May panibago siyang lakas para labanan ang karamdaman."

"Ha? Eh, bakit hindi mo ginawa noon pa?" Gusto niyang sapakin bigla ang engkanto.

"Sapagkat ang may dinaramdam lamang ang puwedeng magpagaling sa kanilang sarili. Kung hindi na 'yon kayang gawin, tinatanggap ang lahat. Ang pagpanaw ay biyaya."

Naguluhan na si Bechang. Naghihimagsik pa rin ang kalooban. "Ano... saan ang biyaya sa paghihirap, Lakan?"

"Ang pagbabalik sa Inang-Buhay ay biyaya."

"Hindi ako naniniwala sa 'yo! Pinabayaan mo pang mahirapan ang ninang, kaya mo naman pala siyang gamutin! Ikaw ang masama!"

"Sinuway ko ang Adomina dahil sa 'yo. Dahil sa mga luha mo kahit alam kong mali!"

"Hindi ko kailangan ang pag-ibig mo! Kung 'yan ang tama, doon na ako sa mali!"

TATLONG araw matapos ang pangyayaring iyon, inilabas ni Dok Raul sa balkonahe ang asawa. Nakaupo sa wheelchair ang ginang. Payat na payat pa rin pero nakakapagsalita nang maayos, humihinga nang maayos. Kumakain.

At inaasahan na ni Bechang ang balitang kumalat.

Nanggagamot si Lakan.

Pinagaling ni Lakan ang ginang na may kanser.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now