Untitled Part 22

588 30 0
                                    


GANOON na lang ang gulat ni Hamil—isang Matandang Asoge—sa nabungaran sa kanyang komedor.

"Kunig," sabi niya sa kemira.

Humakbang ito palapit sa kanya, idinikit sa sikmura niya ang ulo. Hinimas niya iyon at tinapik-tapik. "Ano ang nangyari, Kunig? Kamuntik nang mapahamak ang reyna sa ginawa mo."

Humalinghing si Kunig. Parang nagalit.

"Sshh. Huwag kang maingay. Hinahanap ka ng mga kawal." At saan niya itatago ang kemira ni L'aq'n? Labis na nagalit at natakot si Irin sa ginawa ni Kunig, iniutos na hulihin ang kemira. Kung kinakailangan daw ay paslangin.

Umatras si Kunig. Bumaling sa mesa at ipinatong ang isang paa sa bagay na naroroon.

"Mahabaging Inang-Buhay!" Natutop ni Hamil ang dibdib.

Ang Salamin ng Amulaki.

Kinuha ng kemira.

Dinampot niya iyon. Napabulalas. "Irin—" Tumingin siya kay Kunig. Parang tumatango ang kemira. "S-subalit... ano ang magagawa ko?"

Humalinghing na parang nagalit si Kunig.

Biglang sumagi sa isip ni Hamil si L'aq'n. At pagtingin niya sa salamin, ang prinsipe ang nakita roon.

Nasa kabilang sukod gaya ng sinabi ni Irin.

Bigla siyang nakarinig ng dumadagundong na mga yabag ng mga ekina.

Mga kawal!

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now