TPD:chapter one

15.2K 309 68
                                    

Hey guys! Namiss ko ang pagsusulat. At dahil medyo hindi na busy si aketch. Kaya naman nandito ako ngayon. Sana suportahan niyo ang story na eto. Gaya ng pagsuporta niyo sa iba ko na story.

And piece of advice fiction po ang lahat na eto.. Well maybe some situations did happen to me . Ay basta lets just open our imagination guys. Just bear with me.

And this chapter is dedicated to MiSs_CottonBaby25 dahil sa pag gawa niya ng bookcover sa story na eto and i SUPER DUPER LOVE IT! Request kayo sa shop niya guys 'RYTHEL GRAPHIC SHOPPE' https://my.w.tt/gHjKROYRyM . Ate thank you po talaga sana in the future po makapag request pa ako ^^

Enjoy reAding !

Gabby's POV
"Bakit ngayon lang kayo dumating? "Ani ko sa asungot na lalaki na kababago lang dumating.

"Bakit Gab, miss mo agad ako. Naku ikaw ha." Sabi niya na sabay kindat .

Bwisit na lalaki! Nakuha niya pa talaga magbiro ha. Pagkatapos niya kami paghintayin ng mga kagrupo namin dito sa labas ng club room ng tatlong oras.

Humanda siya sa akin! Naku kasalanan pa naman niya ito!

"Hoy Matthew Trixtan Vargas wag mo akong makindat kindat dyan dahil kanina pa ako nabubuwisit sayo! Kung bakit kasi pinili mo pa ako sa team mo. Dapat kay Mikko na lang eh para wala ako dito." Sabi ko

"Eh alam mo naman Gabriella favorite kita eh kaya ikaw agad ang pinili ko." Ani niya

Akmang sasapakin ko na sana siya ng pigilan ako ni Haylee isa sa mga bestfriend ko, at ang pinakamabait sa amin tatlo.

"Wag mo ng patulan Gabby, hayaan mo na si Matrix. Binibiro ka lang niyan." Sabi ni Haylee na nakahawak sa braso ko

"Oo nga Gabby, wag mo na lang pansinin kaibigan namin. Naglalambing lang yan sayo. Hahah aray bro naman!" Sambit naman ni Mikko kaibigan ni asungot, at isa sa mga pinapantasyahan sa school namin.

"Tumigil ka dyan Mikko. Kung anong sinasabi mo dyan." Ani ni Matrix pagkatapos batukan ang kanyang kaibigan.

Hindi na lang ako nag salita at pinakalma ang sarili.

Tama sila, walang magagawa ang pagsapak ko sa asungot na ito, dahil sa pitong taon namin magkakilala parang araw araw ko na siya sinasapak pero hindi pa rin siya tumitino. Tss.

"Nga pala bakit nandito kayo Patrick at Mikko? Di ba nanalo kayo kanina sa laro natin na dodge ball?" Tanong ni Haylee

"Eh si Kye nga eh nandito. Kateammate kaya namin siya kanina. Anong ginagawa niya rito?" Sabi ni Patrick tsaka tinuro si Kyennah or Kye (Key) isa din sa mga bestfriend ko na pinakamatapang sa amin tatlo.

"Moral support. Alam mo naman na hindi ko pababayaan ang dalawang tu." Ani ni Kye tsaka umakbay sa amin.

"Rehas tayo. Nagmomoral support din kami sa dalawang tu. Baka kasi hindi nila kayanin yung paglilinis." Sambit ni Mikko

"Whee d nga bespren, alam ko naman na may iba-"

"Tumigil ka dyan Patrick makakatikim ka talaga sa akin." Putol ni Mikko tsaka tiningnan ng masama si Patrick.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now