TPD: chapter 27

1.4K 75 14
                                    

Thank you for the increased of reads sa storyang eto. Everytime na nakikita ko na may nag aadd sa RL nila sobra talaga akong natutuwa. Kyaah! Sana hanggang epilogue suportahan niyo eto. And sana maintindihan niyo na baka matagal ako magupdate dahil nagaadulting si Ate M lol para sa pyutur xD

Enjoy reading!

Mikko POV..

"Wala na ba?" Tanong ni george habang nakapagtago kami dito sa shower room.

"Baka wala na, wala na kasi akong naririnig." Sabi ko naman at dahan dahan na sumilip.

"Mikko, wag ka basta basta sumilip dyan." Sabi ni haylee tsaka hinila ako pabalik " Lets not put our guards down, because we dont know what will happen."

"Pero wala na talaga akong naririnig eh, dba george?" Ani ko

"Oo, mukhang wala na. Siguro kailangan na natin lumabas at puntahan na agad ang bahay ni lola areya, bago pa maabutan na naman tayo dito ng halimaw." Sabi naman ni george at dahan dahan na lumabas.

"Pero kasi..."

"Halina kayo, the coast is clear lets go." Singit ni george.

Kaya naman ng sinabi niya yun agad kami lumabas sa pinagtataguan namin.

At sa paglabas sa amin, wala kaming nakitang tao. It looks like in just a span of hour, ang Isla Verde ay naging abandonado na.

Madaming gamit ang nagkalat at parang may dumaan na bagyo. Tapos ang malala pa dyan, may mga tao sa dalampasigan na hindi pa namin alam kung bahay pa ba eto or patay na..

Gulp..nakakatakot. Ano ba ang ginawa ng halimaw na yun! Talaga bang kapag nahuli ka niya, possible kang mama-

"Mikko!"

"Ay baklang palaka! Huh?"

"Anong baklang palaka pinagsasabi mo? Nang aasar ka ba mikko!? Tsaka nakikinig ka ba sa amin ni Hayley?" Tanong ni george

"Uh...heheh sorry nagulat lang. Uhmn, ano nga pala pinagusapan niyo?" Sabi ko tsaka napakamot sa aking batok.

At dahil sa sinabi ko agad ako binigyan ni george ng masamang tingin. Grabe siya ouh! Galit agad si kuya george heheh.

"Well you see mikko, the topic that we have discuss awhile ago was about the location of the house of Lola Areya. And George ask you about it, but it seems you didnt hear it. Heheh why did your mind suddenly became occupied?" Tanong ni hayley sa akin.

"Sigh, ganun ba. Sorry, kung hindi ko agad nasagot tanong niyo. Pero kasi nadistract ako sa paligid natin. Lalo na sa mga tao na nakahiga. Ano sa tingin mo nangyari sa kanila? "

"Hindi natin iyan masasagot, pero sana ligtas lang sila." Sabi ni george

"I hope, they are just unconscious. Because I cant bear if something happens to the people who victim by that monster. Just imagine, kung tayo ang nakuha o mga kaibigan natin ang nakuha ng-"

"Shhh! Sandali haylee, parang may naririnig ako na papunta dito magtago tayo dali!" Sabi ko tsaka hinila sila pabalik sa tinataguan namin.

"B-bumalik kaya ang halimaw na yun dito?" Bulong ni george

"Gosh! Could it be alam niya nandito tayo?" Ani naman ni haylee na may takot sa boses.

Bigla ako kinabahan sa sinabi ni Haylee, pero kahit ganun hindi ko dapat iyon epakita. Kailangan ko maging matapang, lalo na at lalaki ako.

Kaya naman mikko, wag kang maging duwag! Epakita mo kay Haylee na matapang ka at kaya mo siya protektahan.

"Wag kang matakot haylee, hindi kita pababayaan. Kung nandyan man ang halimaw poprotektahan kita." Sabi ko

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now