TPD: Chapter 47

1.1K 60 18
                                    

Happy New Year !! Ohemji 2020 na ^__^ I hope this year will be a wonderful year para sa lahat. Sana patuloy niyo pa rin suportahan ang TPD at yung mga iba ko pang works. At dahil new year tayo well, expect na may mga new stories din ako epupublish soon😉

Miss Clau on the Multimedia..

Enjoy reading!

Gabby POV.
"Ok umupo na muna kayo sa sofa bago ko simulan sabihin sa inyo ang gusto niyong malaman. " sabi ni miss clau sa amin.

Madali namin sinunod ang kanyang sinabi. Agad kami pumwesto at humarap sa kanya na nakatayo.

Finally! Malalaman na din namin ang mga kailangan namin malaman tungkol sa may pakana ng mga kababalaghan na eto.

Kung hindi ko pa napansin na medyo dinidistract kami ni miss clau at kung hindi dahil din kay Nyle na nalaman niya ang kakaibang abilidad ni miss,  baka naisahan na naman kami.

"So, Mistress of Love or as we call her Mistress. Ang espiritu na sinasabi nila makakatulong sayo sa buhay pagibig mo. Yan ang paniniwala nila sa kanya noon. Pero wag magpalinlang sa pangalan dahil kabaliktaran eto sa katotohanan."

Panimula sabi ni Miss Clau na napatindig sa balahibo ko.

"Hindi namin alam or kung saan siya nagmula pero 15 years ago, biglang sumikat ang isang parang chain message na hindi matukoy kung kanino galing, na nagsasabi na kung gusto mo ng tulong sa buhay pagibig mo tawagin mo si Mistress of Love. It was very famous back then kasi sabi nila epektibo daw eto. Nagkakatuluyan daw sila sa taong gusto nila."

Wow! Iba din naman ang trip nila noon eh no? Umaasa sa chain message siguro hindi pa uso ang Tinder nun? Or kahit anong dating sites.

"But... along with that trend, bigla din may lumaganap na mga kababalaghan."

"Really? Like what Miss Clau?"

Hindi sinagot ni Miss Clau ang tanong ni Haylee. Instead bigla siya natahimik at parang may inaalala.

At dahil sa nakikita ko bigla nagkaroon ng konklusyon sa utak ko. Possible na kapareho ang nangyayari ngayon sa naganap noon.

"Miss Clau, could it be magkapareho ang nangyayari noon at ngayon?" Ani ko

"Hmm.. it has a similarity Gab. But mas madaming nabiktima lalo na sa mga lalaki. "

"Ano pong ibig niyo sabihin dun Miss Clau?" Si matrix na naman ngayon nagtanong.

"Eto kasi iyon dear students of Severino, si Mistress tutulungan ka makuha ang gusto mo na tao, ngunit ang totoo niyan nililinlang ka lang niya. Dahil hindi ka talaga niya tutulungan, but rather she is just tricking you to get the souls of those guys you like."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. A-ano ang sabi ni Miss Clau? Kukunin niya ang kaluluwa sa mga lalaki na gusto mo?! The fudge!

Narinig ko na nagulat din ang mga kaibigan ko at saring sari komento ang lumabas sa kanilang bibig.

"Totoo ba yan miss clau?" Sabi ni mikko

"That is scary." Ani naman ni Haylee

"Pucha! May pagkalandi naman pala talaga ang Mistress na yun." Komento naman ni Kye

Umiling iling lang si Matrix habang si Nyle seryoso lang at walang imik.

"Kaya nahirapan kami na hulihin siya. Dahil dalawa kami babae, at tatlo ang lalaki sa Sherlocks na grupo namin. Mas malaki ang possibilidad na pwede mabiktima ang mga to."

Hala! Kung ganun mahihirapan din kami nito. Dahil mas madami din ang lalaki sa amin grupo. Hmm but then again, malakas naman kaming tatlo nina Kye at Haylee eh! Hah! Girl power na siguro eto!

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now