TPD: chapter Twenty-eight

1.4K 80 9
                                    

Eto na ang new Update, and dahil may Bagong Update may bago din Cover! Kyaah made by jeappl_ , ang ganda gandaa super love it. Thanj you po sa pag gawa ^^

Enjoy Reading!

Matrix POV

Nagulat kami ng makita namin dito si Elise, ang bata na minsan na namin nakilala ni Gab. Nung huli kasi namin eto nakita umiiyak siya, at ngayon ganun pa rin. Umiiyak siya, bakit kaya? Hinahanap pa rin niya ba ang Papa niya? At nasaan ang yaya niya?

"Huhuhu uwaaah! " Iyak niya habang yakap yakap siya ngayon ni Gabriella my loves heheh

"Shh.. tahan na Elise, wag ka ng umiyak nandito na si Ate Gab."

"Uwaaah!! Huhuhu"

Iyak pa rin eto ng iyak, kahit niyayakap na siya ni Gabriella.

"Insan, sure ka ba na kilala niyo ang bata na yan ha?" Tanong ni Patrick sa akin

"Oo, nagkabanggaan kasi sila ni Gabriella nun dito sa resort kaya nakilala namin siya."

"Talaga? Eh bakit ba yan umiiyak? Naku, kapag iiyak pa rin yan hanggang ngayon baka bumalik dito ang halimaw!"

Medyo napalakas ang boses ni Patrick, kaya naman babalaan ko sana siya na iwasan esabi iyon sa harap ng bata. Pero I was too late..

"H-halimaw? Uwaaah!! My monster! Monsteerrr!!" Sigaw ni elise ng marinig ang sinabi ni Patrick.

Tsk! Galing mo patrick, mas lalo mo tinatakot ang batang eto. At dahil dyan binigyan ko ng masamang tingin ang lalaking tu. Laki kasi ng bunganga eh! Hay naku.

"Elise, walang monster nagjojoke lang yan si Kuya patrick." Sabi ni gab na patuloy sa pagpatahan. Nakita ko na nahihirapan na talaga si Gab sa pagpatahan kaya naman lumuhod ako para tulungan siya.

"Oo nga baby girl, walang monster. Promise! Kaya naman wag ka ng umiyak please." Sabi ko kay elise

"Hindi! Hindi! Sabi niya may monster daw eh! Huhuhu ayoko makita ang monster na yun! Huhuhu gustooo ko puntahan si papa! Nasaan ba si papa!???"

Paano ba namin eto mapapatahan si Elise? Kailangan mapatigil namin siya sa pagiyak dahil baka mangyari nga ang sinabi ni patrick.

"Psst oi" sabi ko kay patrick "Kasalanan mo pagiyak niyan, kaya ikaw ang magpatahan."

"Huh?? Ako? Pero-"

"Walang pero pero. Gumawa ka ng paraan para tumigil si Elise sa pagiyak!" Sabi ko tsaka hinila siya upang magpantay sila ni elise.

"Insan naman..hindi ko alam kung- Sige na nga lang!!" Sabi ni patrick. Aangal pa siya sana pero binigyan ko ng matalim na tingin kaya naman nilapitan niya agad si Elise.

"Elise hello, ako nga pala si Kuya Patrick mo. At wag ka ng umiyak dahil joke lang naman iyon ni kuya eh. Heheh walang m-monster. Ano ka ba hindi iyon totoo." Sabi ni patrick habang nakaluhod ang isang paa upang magkapantay sila ni Elise

"Huhuhu sabi mo meron! Dba ang Halimaw ay Monster! Huhuhuu nakita ko ang Monster kanina, tapos it did something to yaya! Uwaah! Baka si papa sinaktan din ng monster!"

"Naku elise, I am sure hindi niya sinaktan papa mo, dahil dba alam mo naman strong ang papa mo. Kagaya ni ..ni..ng mga Powerpuff girls! Oo, parang powerpuff girls ang pagiging strong ng papa mo heheh kilala mo sila?"

"Powerpuff girls? S-sila blossom, bubbles at buttercup?"

Pfft! Habang naguusap sila Patrick at Elise, parang natatawa ako sa kanilang paksa. Akalain niyo yun naisip ni Patrick ang Powerpuff girls heheh tuksuhin ko nga eto mamaya.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon