TPD: Chapter Thirty-six

1.3K 74 39
                                    

Mahaba haba ang chapter na eto, kaya naman enjoy reading. This is the last chapter for the second mystery. At maraming salamat for the 11k reads sa TPD labyu poo ❤

Enjoy reading!

Gabby POV..
Pagkatapos nung sand storm na aming naranasan minulat ko ang aking mata at tiningnan ang direksyon nina Lola Areya at nang halimaw.

At laking gulat ko na wala na eto dun. Tanging si Lola Areya na lang ang nandun at parang nawalan ng malay.

Pupuntahan ko na sana si Lola pero nahagip ng aking mata ang walang malay din si Matrix.

"M-matrix.." ani ko habang naalala ang nangyari sa kanya. Parang piniga ang puso ko habang naalala kung paano niya isinakripisyo ang kanyang sarili para maligtas kami sa halimaw.

Kaya naman nilapitan ko siya at sinubukan gisingin.

Nagbabakasakali ako na mababalik na ang lahat sa dati.

Kasi wala na ang halimaw dba? K-kaya baka naman ligtas na din si matrix.

Lumapit ako tsaka dahan dahan inilagay ang ulo niya sa aking binti.

"Matrix.. matrix gising..gumising ka na dyan.. " ani ko habang dahan dahan tinatapik ang pisngi niya.

Walang nangyayari..

Nakapikit pa rin ang mata niya ..kaya naman sinubukan ko na medyo lakasan ang pagtapik.

Pero w-wala pa rin.

"Matrix..huy gumising ka na.. gising na matrix.." sabi ko

Pero wala pa rin talaga.. kaya naman medyo kinakabahan ako.

Hindi maari.. hindi pwedeng mawala ng tuluyan si matrix sa amin..

"Matrix! Gising! Matri-"

"Gabby"

Nagulat ako ng may boses ang nagsalita sa akin likuran. Nilingon ko iyon at nakita si kye kasama pa ang iba kong mga kaibigan.

"Kye hindi pa rin gumigising si Matrix. D-dba natalo naman ang halimaw? B-bakit ganun? Hindi siya bumabalik sa normal." Ani ko

Tumingin ako kay kye at nakikita ko na nahihirapan siya kung ano ang sasabihin sa akin.

Kaya naman tumingin ako kay Lola Areya na kasama nila.

"Lola anong mangyayari? Bakit ganun? H-hindi na ba babalik...si..si Matrix?" Sabi ko habang pinipigilan na humikbi

Ayoko makita na nila na tutulo ang luha ko dahil gusto ko maniwala na magiging ok ang lahat. Kaya hindi ako iiyak! Hindi ako iiyak!

"Hija..." sabi niya tsaka yinakap ako.

Nang ginawa ni Lola iyon bigla ako natigilan..

Hindi ko nagustuhan ang isinagot ni Lola sa akin. Gusto ko sabihin sa kanya na hindi ko kailangan ang yakap na yun, at gusto ko marinig ay magiging ok si matrix..

Na babalik siya at magiging makulit  hanggang sa mabwesit ako. Kaya naman please... can someone assure me that everything will be ok! ..

Dahil hindi ko mapapatawad sarili ko if hindi gigising pa muli si Matrix..

Kaya naman kung may makakarinig sa aking munting dasal.. sana tuparin niyo ang aking panalangin.. gusto ko bumalik siya.. silang lahat..

Sana naman po tuparin niyo hiling ko..

"Wag kang mag alala, magiging maayos din ang lahat... "

Huh?

Agad ako nagulat ng may narinig ako na boses..

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें