TPD: Chapter 45

1K 52 16
                                    

Merry Christmas Everybody! And happy 13k reads sa TPD, so thankful sa mga nagbabasa nito at sa mga nagmessage sa akin tuloy sa story na eto thank you, thank you!😘 You made me happy and sana hindi kayo bibitiw hanggang sa huli sa kwento na eto.

Enjoy reading.

Mikko POV.
"Asan si Patrick?" Tanong ni Matrix sa akin sa kalagitnaan ng klase

"Ewan ko sa loko na yun, mukhang nag cutting na ata. Sabi lang naman namin na dumaan sa clinic." Sabi ko tsaka tumingin sa phone dahil nag babakasakali nag reply ang loko.

Pero walang sagot...

"Ano naman ang gagawin niya sa clinic?"

"Kukuha sana ng ice pack para sayo."

"Eh saglit lang naman ang pagkuha nun? San na siya?"

"Yan ang hindi ko alam."

Napakunot na lang ng noo si matrix. Dahil sa sagot ko. Eh wala akong magagawa, di ko rin alam kung nasaan ang mokong.

Kaya naman ng mag ring ang bell para sa lunch, agad ako tumayo. At sabay pa kami nina Nyle at Matrix.

Mukhang parehos kami naiisip at nag aalala sa kalagayan ng loko namin kaibigan.

Agad namin napuntahan yung clinic. At ang naabutan namin dun ay yung Nurse lang na nagbabantay.

"Nurse, may estudyante ba kayo pumunta dito at nanghiram ng ice pack?" Tanong ni matrix

"Naku hindi ko alam, umalis kasi ako saglit kanina eh. Pero ang nakakapagtaka nawawala ang lagayan ng ice pack namin."

"Ganun po ba. Sige po-"

"Nurse! Nurse! Tulong may emergency na nangyari! "

"Nakita na lang namin walang malay ang lalaking eto!"

Naputol ang sinabi ko ng biglang pumasok ang ilang mga estudyante na may binubuhat na estudyante na lalaki.

Agad kami naging alerto dahil baka si Patrick iyon! Inilagay nila eto sa isang bakante kama. At nang masilip namin kung sino yun, sabay din kami nakahinga ng maluwag.

"Fuck! I thought its him!" Ani ni Nyle

"Nakahinga ako ng maluwag, pero anong nangyari sa lalaki na eto?"

Nacurious din ako sa sinabi ni Matrix kaya naman ako na ang nagtanong sa estudyante na nagdala sa kanya.

"Hindi din namin alam. Basta pagpasok namin sa CR nung natapos ang klase nakita na lang namin siya ganyan."

"Sinubukan namin na gisingin siya pero hindi talaga siya nagigising! Nurse, patay na ba siya?!"

"Huh?! Di siya nagigising? Nurse, ano sa tingin mo ang nangyari?" Tanong ko

Napatingin ako sa Nurse at nakita ko na chinecheck na niya eto. At nang tapos na siya macheck napailing na lang siya.

"Ahmm ang mabuti pa iwan niyo na lang siya dito. Ako na bahala sa kanya. At wag kayong mag alala buhay pa naman siya. Kumain na muna kayo ng lunch dahil maya maya nagsisimula na ang klase." Sabi ng nurse

Parang nagdadalawang isip ang mga estudyante na nagdala sa lalaki dito. Pero umalis din sila, habang kaming tatlo naiwan.

"Ouh kayong tatlo, may kailangan pa kayo dito sa clinic?"

"Nurse, possible ba na kapareho eto kay-"

Gusto ko pa sana magtanong kung may kapareho ba sa nangyari kay Sarah ang nangyari sa lalaki, pero hinawakan ni Nyle ang braso ko at nagsalita.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now