TPD: chapter 6

2.5K 138 24
                                    

Ika anim na kabanata tayo guys. If you have time please promote this to your friends ;)

Enjoy Reading!

Kye POv

"Sure ba kayong eto ang bahay ni sir sev?" Tanong ni patrick

"Baka mali tayo ng lugar." Ani ko

"Patingin nga ulit ng address." Ani ni Nyle tsaka kinuha ang phone ni patrick na kung saan nandun daw nag chat si Sir Sev sa kanyang tirahan.

Nandito kasi kami sa Luxor Subdivision, isa sa mga mamahalin na subdivision dito sa lugar namin. At eto daw ang sinabi na address ni sir Sev kina patrick nung tinanong nila ang address nito.

Pero ng makapasok na kami at natanong sa guard kung saan ang bahay ni Sir Sev, hindi kami makapaniwala na mapadpad sa isang napakalaking puting mansion dito sa subdivision.

"Ouh ano nyle, tama ba yung sinabi? Luxor subd ba talaga?"tanong ni matrix

"Oo eh, pero tss si sir sev kasi parang nagbibiro sa binigay. Sabi niya ang adress niya daw is Luxor Subdivision tapos lumiko sa kanan at kaliwa at hanapin ang pinakamaliit na bahay sa subdivision. Eh bakit dito tayo tinuro ng guard?" Ani ni nyle

"Maybe this is really the house of Sir Sev. Eh mukha naman talagang may kaya si sir eh." Sabi ni haylee

Agad naman kami napaisip sa kanyang sinabi. Si sir sev RK?( Rich Kid) Hmm..pwede nga naman maging super yaman ni sir sev dahil yung mga damit niya palagi branded. Pero nung time na tinanong siya na original sinabi niya ukay ukay daw. -___-

But then kung ganito din siya kayaman bakit parati siyang nagbabike sa school? Pero baka ayaw niya lang talaga siguro mag drive.

Pero bakit din always nagpapalibre ang isang yun -___-  haay naku adik talaga ang teacher namin parati nagrarant na ang liit liit daw ng sweldo niya at hindi daw sapat sa gastos niya. Eh akalain mong may ganitong bahay?!

Pambihira napaka misteryoso naman ng lalaki na eto.

"Baka nakatira lang si sir sev sa kaibigan niya. "Ani ni gab

"Hmm pwede din. Siguro kAilangan natin mag doorbell para malaman kung kay sir sev ba talaga ang bahay na eto."Ani ni mikko

Agad naman kami sumang ayon at bumaba sa sasakyan. At nang nakarating kami sa gate pinindot ni nyle ang doorbell.

At biglang may nagsalita.

"Sino yan?" Sabi nung parang speaker box katabi ng doorbell.

"Ahh dito po ba nakatira si Sir sev? Estudyante niya po kami." Sabi ni mikko

Walang sumagot. Pero hindi nagtagal narinig namin ang boses ni sir sev.

"My beloved students! Pasok pasok." 

At agad bumukas ang gate. At sa pagpasok namin bumungad sa amin ang napakalawak na garden. Na may fountain pa sa gitna. Atsaka may mga shrubs and bushes na may korte. Not to mention may mga statues pa na makikita mo sa isang greek garden.

Wow! Ang ganda ng garden. Halatang alagang alaga.

ilang metro din layo ng front door sa gate kaya naman nagutom ako bigla. Grabe bakit ang layo!

At kahit hindi pa kami nakakatok bumukas na yung pinto.

Saka sinalubong kami ni Sir Sev na naka ... Ano na naman bang fashion trip ng teacher namin.><

Nakasequence na tracksuit gaya ng sa bidang lalaki sa Secret Garden na kdrama.

"Ouh haylee,gab at kye nandito din pala kayo. Rereplayan pa sana kita heheh ngayon lang kasi ako natapos maligo. Anyway since sumabay na lang din naman kayo nina patrick pasok kayo heheh" sabi ni sir sev

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now