TPD: chapter Thirty

1.6K 83 17
                                    

Sorry if I couldnt update last week medyo madami ang  nangyari sa akin eh, such as the MIBF and job hunt chos . But anyways I really thank the people who supported this story, heheh akalain mong 2k reads na tu. Kyaaah! We are in the climax of the second mystery so just hang on tight ;)

Enjoy reading!

Mikko POV.
Bakit parang hindi ako makahinga.. ang sikip sikip ng dibdib ko?

Sinubukan ko lumanghap ng hangin pero pakiramdam ko konti lang ang nakuha ko. F*ck! Anong nangyayari?! Bakit pakiramdam ko bigla ako naparalyze!

I tried to move, but hindi ako makagalaw. Kaya naman bigla ako kinabahan. Shit! Shit! H-hindi kaya may kumulam sa akin?!

Agad ko idinilat ang aking mata upang malaman ang dahilan. At ng makita ko ang dahilan parang gusto ko sila pagbugbugin ng malakas. Mga bwesit ang mga lalaking tu! Pinakaba pa ako, eh sila lang pala ang rason!

Tss! Langya mga eto! Ginawa pa ako tandayan ng mga mabibigat nila na mga paa! Humanda sila sa akin! Gaganti ako!

Pero paano ko kaya magagawa iyon?

At habang nagiisip ako bigla dumaan si Kye sa amin pwesto.

"Psst! Kyennah! " Tawag ko sa kanya.

Agad naman siya lumingon sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin. Hehe huhulaan ko magagalit na naman eto dahil tinawag ko siya sa buo niyang pangalan.

"Kahit kailan talaga Mikko no, ang tigas tigas ng bungo mo!! SABI NG WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA KYENNAH!!"

Wow! Grabe ang lakas ng boses ng babaeng tu, nakalunok kaya eto ng megaphone? Or baka naman pinaglihi eto ni tita sa speaker?

Pero kahit ganun na kalakas ang boses niya nakakabilib din ang mga kumag na katabi ko, tulog na tulog pa rin. Pfft! Halatang pagod na pagod ang mga ugok.

"Heheh sorry, nakalimutan ko pero bago mo-"

"Nakalimutan! Ang sabihin mo sinasadya mo talaga! Tsk! Dyan ka na-"

"Teka! Teka! Parekoy, wag mo akong iwan muna. Kailangan ko tulong mo! Sige na!!" Pigil ko ng nagsimula siya umalis.

"Kapal din naman ng pagmumukha mo Mikko Prince Alvarez eh no! Bwinesit mo ako, tapos hihingi ka ng tulong!? Ano ka sineswerte! As if tutulungan kita!"

"Grabe ka talaga babae ka. Ganyan ka na ba katigas para hindi mo ako tulungan? Parang wala lang tayong pinagsamahan ah! " Sabi ko tsaka sinubukan na palungkutin ang boses ko.

"Tsk! Wag mo akong dramahan ng kaOAhan mo Mikkoy dahil hindi yan uubra sa akin. Hindi porket madami kang nauuto dahil sa pagdadrama mo yan eh masasali na ako dun. Hah! Wag ako!"

Gusto ko sana magreklamo dahil sinabi din niya ang kinaiinisan ko na tawag niya sa akin, pero kailangan ko kasi tulong niya kaya hahayaan ko siya.

Pero seriously ang bansot pakinggan ng Mikkoy tsk.

"Hindi kaya ako nagdadrama, totoo lahat ang sinasabi ko. Kaya nga naniniwala sila sa akin dahil everything I say comes from the heart." Sabi ko tsaka ngumiti.

At kung ibang babae lang etong kaharap ko panigurado nangisay na eto sa kilig dahil sa ngiti ko. But no, si Kye eto. Kaya naman expected ko na kung ano ang esasagot niya..Which is.. 'Nasobraan ka na naman ata sa aircon mo Mikko, masyado ka ng mahangin eh.'

"From the heart ka dyan! Neknek mo! Atsaka Mikkoy dahan dahan lang sa aircon ha, masyado kasing madaming hangin sa utak mo." Sabi ni kye

Heheh see told you, sasabihin talaga iyon ni parekoy. Halos alam ko na ang sasabihin niya dahil ikaw ba naman kasama lumaki ang babaeng to, hindi mo pa ba alam ang takbo ng utak na tu.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now