TPD: chapter 33

1.2K 66 31
                                    

Halooo! Kamusta?

Enjoy reading!

Gabby POV..
Frozen..

Yan ang naramdaman ko ng sa huling pagkakataon nakita ko ang halimaw na eto.

Oo, huling pagkakataon dahil alam ko na katapusan ko na eto. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto.

Ganun din si Eunice, pareho kami nastatwa ng makita namin ang kulay berdeng halimaw na mas lumaki pa nung huli kong nakita.

Mas lalo eto nakakatakot parang dumoble ang laki tapos mas tumingkad ang kulay berde na parang gelatin na katawan nito. Shit! Hindi ko aakalain na mas may ekakatakot pa ang halimaw na eto!!

"Ahhhhh!!!"

Sigaw ni Aya. Kahit hindi ako lumingon alam ko na sa kanya galing sigaw na iyon.

"Gabby!! Eunice get the freaking out of there right-"

GROOOOWLLLL!!!..

Nag ingay ang halimaw na naging dahilan upang maglikha ng napakalakas na hangin. Kaya naman napapikit talaga ako..

At nang maedilat ko ang aking mga mata laking gulat ko na makita na papunta na ang halimaw sa akin direksyon..

Fudge! Eto na talaga Gabriella katapusan mo na.! Hindi ko aakalain ganito kabilis ang buhay ko!! Mama ko po!

GRoOOOWL!!

Ayan na ayan na talaga!!! Huhuhu eto na ang huling sandali mo Gabriella Rivera.

At dahil sa wala na akong magawa hinintay ko na lang ang huling mga segundo ko sa mundo..

Ughh! Alam ko medyo tanga ako. dahil hindi ko man lang nagawa gumawa ng paraan para tumakas. Pero kung iisipin mo din, kahit anong gawin ko maabutan pa rin ako ng halimaw. Kaya naman mas mabuti pa na hintayin ang huling sandali ko at eaccept na lang ang sitwasyon.

Kaya naman habang hinintay ko ang huling sandali. Ipinikit ko ang aking mata upang hindi makita ang masaklap ko na kapalaran.

Rinig na rinig ko ang pagpalapit ng halimaw. At ramdam ko din ang presencya niya..

Malapit na siya sa akin.. malapit na siya..At habang palapit na siya hindi ko maiwasan hindi tumulo ang aking luha.

Goodbye world Gabriella Rivera is signing-

SWISSSSHHH!!!

ARGHHHH!!

" Kung akala mo makakalapit ka sa babaeng eto, pwes! Tangina mo!"

GROOWARGHH!!

SWISHHHH!!

Teka! Pamilyar ang mga boses na yan ah.

Dinilat ko ang aking mga mata dahil naramdaman ko may taong nakatayo sa aking harapan. At di nga ako nagkakamali dahil nakita ko si..

"M-matrix!!"

P-paano nandito ang lalaking eto? Diba nandun sila sa-

"Ouh eto pa! Hahahha Gusto mo ba yan Bakulaw na green ha! Pakyu ka! "

"Tangina mo! Akala mo may mabibiktima ka naman! Nek! Nek mo!"

Patrick!? George!?? Bakit nandito din kayo? Eh di-

"Gabriella, tayo tayo din naman pag may time. Tulungan mo si Eunice at Kye na buhatin si Lola areya. Kami na bahala sa halimaw na eto. " Ani ni matrix sa akin habang bumabaril pa ng tubig sa halimaw.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now